Advertisers

Advertisers

EDUCATION FUNDS GINURGOR NI VP SARA!

0 2,123

Advertisers

Ang sektor ng EDUKASYON ay dapat na pinagtutuunan ng kaukulang pondo subalit nananatilng nasa krisis pa rin ang naturang ahensiya gayong milyon-milyong salaping laan sa DEPARTMENT OF EDUCATION (DEPED) ay walang habas na GINURGOR ni VICE-PRESIDENT SARA DUTERTE noong siya ang naging EDUCATION SECRETARY.

Inamin ni EDUCATION SECRETARY SONNY ANGARA ang kakulangan ng pondo para tugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan sa buong bansa.., na isang seryosong isyu sa ilang dekada nang nagpapahirap sa bansa. Subalit sa gitna ng suliraning ito ay naging kontrobersyal ang paggamit ni VP SARA sa kaniyang CONFIDENTIAL FUNDS.

Inaasahan ng mamamayan na bawat sentimong inilalaan para sa edukasyon ay gagamitin sa wasto.., pero, ang alokasyon ni VP SARA sa CONFIDENTIAL FUNDS para sa DEPED ay nagdulot ng malaking palaisipan lalo na’t hindi pa nalulutas ang masalimuot na krisis sa kakulangan ng mga silid-aralan.



Sa mga pagdinig na isinagawa ng HOUSE OF REPRESENTATIVES COMMITTEE ON GOOD GOVERNMENT AND PUBLIC ACCOUNTABILITY ay napapaisip ang karamihan.., na bakit may CONFIDENTIAL FUNDS ang DEPED gayong ang ganitong pondo ay inilalaan lamang sa mga ahensiyang may direktang papel para sa pambansang seguridad tulad ng MILITARY, POLICE at INTELLIGENCE SERVICES.., na hindi kabilang dito ang DEPED.

Ipinunto ni DEPED SEC. ANGARA na ang budget ng kanilang departamento ay kapos at walang sapat na pondo para sa kinakailangang mga silid-aralan.., na bakit aniya nilaanan ng CONFIDENTIAL FUND na hindi naman direktang tumutugon sa mga agarang pangangailangan ng sistema sa edukasyon?

Ang paggamit ni VP SARA ng CONFIDENTIAL FUNDS ay nagpapakita ng mali at magulong prayoridad.., na ang gobyerno ay dapat tumutok sa pagpapagawa ng mga silid-aralan, pagpapahusay sa pagsasanay ng mga guro at pagtiyak na may sapat na mga materyales sa pag-aaral ang mga estudyante.

Subalit ang mga pondo ay napupunta sa paggu-gurgor na hindi maipaliwanag ang mga naging paggasta.., at ito’y isang malaking kapabayaan para sa sambayanan lalo na sa milyun-milyong estudyante na ang kinabukasan ay nalalagay sa alanganin dahil sa pagwawalwal ng isang BRATINELLANG SECRETARY.

Kailangang managot si VP SARA sa kung paano ginamit ang mga pondo.., na hindi lamang ito usapin ng prinsipyo kundi ito ay usapin sa pagtiyak na ang mga pampublikong pondo ay ginagamit sa paraang makapagbibigay ng pinakamalaking benepisyo.



Mga ka-ARYA.., sa pag-akto noon ni VP SARA bilang EDUCATION SECRETARY ay dapat lamang malaman ng sambayanan kung saan at paano ginamit ang pondo at hindi ang pagpapakita ng mga huwad na dokumento tulad sa pag-ako ng gastos sa isang proyektong pang-mag-aaral gayong ang pondo ay mula sa ARMED FORCES OF THE PHILLIPPINES at walang iniambag ang tanggapan noon ni VP SARA.., ika nga, nakasanayan man nito ang pagwawalwal at panggugurgor ng mga pondo ay marapat lamang na panagutin ito upang magsilbing aral at huwag tularan ang sistema ng BRATINELLA LEADERSHIP!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.