Advertisers

Advertisers

Fans ni Nora tigilan na ang paninira kay Vilma

0 105

Advertisers

Ni Jimi Escala

TUWANG- tuwa ang Vilmanians dahil napasama sa sampung MMFF entries para sa taong ito ang pelikulang “Uninvited.“

Ang nasabing movie ay pinagbibidahan ng Star for all Seasons Vilma Santos-Recto kasama sina Aga Muhlach at Nadine Lustre.



Siyempre, bukod sa grupo ng VSSI na pinamumunuan ni Jojo Lim ay isa sa very much happy ang kaibigang super Vilmanian at UST professor na si Sir Augusto Antonio Aguila na kilala namin na si Sir Tots.

Si Tots ay isa ring part time stage actor at nagtuturo ng English literature sa UST.

Dahil sa karanasan sa pagtuturo at kahusayan, siya ay binigyan ng doctorate degree sa literature.

Hindi ikinahiya ni Sir Tots na isa siyang self-confessed Vilmanian.

“Hindi nakakahiya iyon, ang rector magnificus nga ng UST, si Rev. Fr. Richard Ang OP ay isa ring Vilmanian,” katwiran pa ni Tots.



Na-meet namin nang personal sina Tots at Fr. Richard sa Phil. Embassy kung saan naging guest speaker ang Star for all Seasons, huh!

Ang ipinagtataka lang nina Sir Tots ay kung bakit Kay Ate Vi ibinunton ng fans ni Nora Aunor ang hindi pagkapasok ng movie ng idolo nila.

Hindi rin matanggap ng mga Noranians na napasama ang “Uninvited” ni Ate Vi sa film fest.

Kaya kung anu-anu na lang ang patutsada ng mga Ito, huh!

Sa totoo lang mga edukado ang mga Vilmanians at may respeto at alam nila na anumang gawin nila ay magre-reflect kay Ate Vi, huh!

“Bakit ba galit na galit ang mga fans ni Nora Kay Ate Vi, kasalanan ba niya? Sana umisip sila ng paraan para maiangat ulit si Nora, hindi yung sinisiraan nila ai Vilma.

“Inggit lang ang mga yan kasi hindi nila matanggap na very much in pa rin si Vilma at si Nora out na, huh!

Sana maiisip ng mga tagahanga ni Nora na hindi na bumabata ang idolo nila. 70 years old na si Ate Guy at sa totoo lang, sa mga batang henerasyon ngayon ay hindi na siya kilala, huh!

“Hindi ba nila iniisip na sayang ang panahon nila na sa halip na may magawa silang mabuti para kay Nora, nauubos ang panahon nila sa paninira kay Vilma?” sey pa ni Sir Tots.

Ipinipilit pa ng mga Noranians na hinarang daw ng mga malalapit kay Vilma ang mga pelikula ni Nora na Mananambal at Pieta sa MMFF.

Kumbaga, nabigyan daw ng higit na pabor si Vilma, dahil mga kumare at kumpare umano ng Star for all Seasons ang nasa screening committee, huh!

Ganun!

Ipinaliwanag naman ng mga taga MMFF na sa pamimili ng mga kalahok sa MMFF, isa sa mga batayan ay ang commercial viability. Kumbaga, kahit maganda pang pagkagawa ng movie kung kulang naman sa box office appeal ay reject din, huh!

Kaya huwag kasi kay Ate Vi isisisi, huh!

Gawin nyo munang box office hit ang movie ng idolo nyo!

***

MAHRA MARAMING MAGAGAWA BILANG
MAYORA NG MAYNILA

ISA si Super Mahra Tamondong sa nangangarap na maging mayora ng Maynila.

Kumbaga, kung ang kasalukuyang alkalde na si Mayora Honey Lacuna ang first woman mayor, si Mahra na ang Second lady mayor ng capital ng Pilipinas, huh!

Sey ni Mahra sa ipinatawag niyang presscon na ginanap sa Maxs ay marami siyang magagawa na higit pa sa mga kalaban niya ngayon sa mayoral post.

Si Mahra ang candidate ng KBL ni Pangulong Marcos kaya nasa kanya raw ang suporta ng Malakanyang, huh!

Hindi lang daw sa senior citizens kundi may mga program din si Mahra sa mga kabataan at kasama na rito yung mga bagong silang na sanggol.