Advertisers
WINALIS ng Far Eastern University ang University of Santo Tomas,25-21, 25-23, 25-23, at nanateling walang talo sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-Season Cham-pionship Sabado sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.
Ang Lady Tamaraws, ay pinamunuan ni Jean Asis at Jazlyn Anne Ellarina, para makuha ang 13-4 lead sa third frame.
Umiskor si Poyos ng 14 points,kabilang ang 11 attacks,habang si Perdido nagdagdag ng 10 points on seven attacks at three blocks para sa UST, na nabigo sa unang pagkakataon sa anim na laban at nalaglag sa 1-1 sa round.
Makakaharap ng FEU ang Ateneo de Manila alas 4 ng hapon,habang ang UST makakasagupa ang University of the Philippines ala una ng hapon Linggo.
Sa ibang laro, nakaligtas ang De la salle University sa University of the East,23-25, 26-24, 25-20, 25-16, para manateling walang dungis sa limang games.
Shevana Laput nagtala ng game-high 20 points on 18 attacks at two blocks para sa lady Spikers.
“We’re just very happy with our game,” Wika ni Laput.
Angel Canino nag-ambag ng 17 points habang si Alleiah Malaluan at Amie Provido umiskor ng 12 at nine points,ayon sa pagkakasunod para sa La Salle, na pakay ang second-round sweep at ang twice-to-beat quarterfinals laban sa sister school College of Saint Benilde sa Miyerkules.
Casiey Dongallo may 19 points habang si Jelai Gajero nagdagdag ng 11 point para sa UE.
Samantala, i-donate ng liga ang bahagi ng kinita sa ticket sales mula Oktubre 26-30 sa biktima ng bagyong Kristine.