Advertisers
Ni Beth Gelena
NADUROG ang puso ni Barbie Imperial sa sitwasyon ng kanyang sa bayan Bicol.
Ang Bicol Region ang mas naapektuhan ng Bagyong Kristine kung saan doon pinanganak ang aktres na si Barbie.
Aniya sa kanyang Instagram post, “Nakakalungkot isipin ang pinsalang dulot ng #BagyongKristine. Maraming pamilya ang nawalan ng tahanan at kailangan nila ang ating tulong.”
Hinimok niya ang mga kababayan. “Sama-sama tayong bumangon,” wika niya.
Sa huli niyang post, “Mahal kong Bicol, andito po ako para sainyo #BangonBicol #BangonOragon.”
Si Barbie ay taga Daraga, Albay.
***
KRIS BALIK SHOWBIZ NGAYONG 2024
WATCH: Queen of All Media Kris Aquino, magbabalik showbiz ngayong 2024! #TV Patrol” Nagpahaging umano si Kris na magbabalik sa showbiz.
Ipinahiwatig ito ng Queen of All Media sa kanyang update post sa social media.
Ang daming komentong naglabasan sa posible umanong pagbabalik ng Queen of All Media.
“I’m so excited for you to be back in big screen. Sana sa ABS-CBN na lang. Praying for you Ms Kris”
“Ay wow eto yung kasama sa dinadasal ko muli siyang makabalik sa tv…excited na kami”
“There’s only one Kris QUEEN OF ALL MEDIA”
May kasamang pag-aalala naman ang komentong ito ng isang fan.
“Masaya kaming lahat ng mga fans mo KRIS sana lang KRIS hinay hinay lang kailangan mo pa rin magpalakas ng husto yun ang importante ang lubusan mong kalakasan”
“WOW PARANG NABUHAYAN AKO NG DUGO… THANK YOU LORD”
“Nice to hear mam kris aabangan po kita ingat ka po lagi at God bless you”
“Welcome po
Ms Kris… Exciting”
“Sana pls abang na abang na kami!”
***
DONNY FOREVER KAPAMILYA
PUMIRMA ng bagong kontrata si Donny Pangilinan sa ABS-CBN.
During the ceremony, the actor expressed his gratitude to ABS-CBN bosses who believed in his talent as an artist.
“I’m just super happy to be here in ABS-CBN,” ani Donny.
“You just saw a glimpse of what we are doing for ilang years eight years na ba? Time flies so fast. But I know that there’s so much more in store and I’m here with you guys and I am very very much ready to overcome what we need to overcome and I am very blessed also that I am with bosses who I can consider family and who I can consider people really listen to you and who really collaborate with you and they will figure out on what they can do just to have the best come out even for the audience and everyone who’s watching so thank you, thank you so much for that,” esplika pa ng anak ni Maricel Laxa.
Pinasalamatan din ng aktor ang pamilya at ang ka-loveteam na si Belle Mariano.
“Thank you rin sa pamilya ko, and siyempre kay Belle (Mariano) kasi malaking part din siya sa journey ko. And I am just very happy na we get to do more things together.”
Sa November 25 ay ipalalabas na ang kanilang pangalawang teleserye after ng Can’t Buy Me Love, How To Spot A Red Flag, na mapapanood sa digital streaming platform Viu.
***
Muling isinugod si Ivana Alawi sa ospital.
As per her online post, the actress’s body apparently did not recover well thus she was rushed.
Makikita sa photo na ang kanyang kamay ay naka-attach sa tube habang siya ay nagpapahinga.
Aniya, “Had to be rushed back to the hospital since my body didn’t recover well.”
Hindi naman ipinaalam ni Ivana kung bakit siya muling ibinalik sa ospital.
Nag-aalala naman ang kanyang followers kaya ipinagdasal ng mga ito ang mabilis niyang paggaling.