Advertisers
Mariing hiniling ng mga residente ng Antipolo City kay Department of Interior and Local Govenment (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang agarang imbestigasyon sa umano’y pangungunsinti at pagbibigay proteksyon ng ilang matataas na opisyal ng kapulisan at LGU sa magdamagang iligal na sugal tulad ng color games at drop ball na matatagpuan sa kahabaan ng P. Oliveros St. Dela Paz, Antipolo City.
Ayon sa reklamo na pansamantalang tumangging magpabanggit ng kanilang mga pangalan, nagiging bulag, pipi at bingi si PLtCol Ryan Manongdo, Mayor Jun Ynares at Rizal Provincial Director PCol Felipe Maraggun maging ang Barangay Chairman John Felixc Fernan ay inutil din umano sa pamamayagpag ng lantarang sugal.
“Tinukoy nila ang umanoy mga perwisyong sugal tulad ng color games at drop ball na front umano ay peryahan” – ayon sumbong.
Batay sa reklamo, front lamang ang Peryahan pero walang rides tulad ng feris wheel, roller coaster, viking, funslide, at iba pang amusement games kundi puro lamesa ng color games at drop ball ang nakalatag sa nasabing lugar na inaabot ng madaling araw ang “gambling operation”.
“Noon lamang nakaraang buwan, nagkaroon ng rambulan dyan ng grupo ng mga kabataan dyan sa P. Oliveros St. Barangay Dela Paz ” – saad ng ilang nagrereklamo sa pitak na ito.
“Inaabot ng madaling araw ang mga sugarol at adik dyan halos hindi na natutulog sa paglalaro ng color games at drop ball – sabi ng nagrereklmo
”Wala ring takot ang mga gambling operators na sina alyas Marcial, Bradfit, Bert at Toto na mag-operate ng iligal na sugal sa nabanggit na lugar sa kabila ng mahigpit na babala ni PNP Chief, Rommel Francisco Marbil” -diin pa nila
Nauna rito, ay nanawagan din ang mga residente kay Antopolo City Chief of Police PLtCol Manongdo at Rizal Provincial Director PCol Maraggun na aksyunan ang perwisyo at salot na sugal na mahigit dalawang taon ng talamak sa lungsod ni Mayor Ynares.
Batay sa sumbong na ipinarating sa BALYADOR ng ilang concerned citizen, hindi umano takot ang mga nabanggit na gambling operator at protektor sa bagong talagang DILG Secretary Jonvic Remulla.
Naniniwala din ang ilang concern citizen na bumabatikos nito na hindi ito mapapahinto ng bagong kalihim ng DILG maging ng PNP chief Marbil dahil sa umanoy milyong piso na ‘good will’ at ‘weekly payola’ ang tinatanggap ng ilang tiwaling government officials mula sa gambling operation na ilang taon ng namamayagpag.
Subaybayan natin!
***
Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com