Advertisers

Advertisers

Salpukan ng motorsiklo at trike: 1 patay, 1 sugatan

0 1

Advertisers

Patay ang isang rider at sugatan ang driver ng traysikel nang magbanggaan sa Brgy. Maninang, Capiz, Biyernes ng gabi Oktubre 25.

Nakilala ang nadedo na si Jem Paul Revella, 25 taong gulang, at nakatira sa Brgy. Bilao, Sapian, Capiz.



Sugatan naman ang driver ng traysikel na si Mer, 49 taong gulang at nakatira sa lugar.

Sa imbestigasyon ng Sapian PNP, sakay sa kanyang motorsiklo si Revella at pauwi na sa kanilang bahay nang mag-overtake ito sa isang sasakyan at inagaw ang linya ng nakasalubong na traysikel dahilan ng banggaan.

Sa lakas ng banggaan ay tumilapon si Revella sa minamanehong motorsiklo at napunta sa gitna ng kalsada at nabagok ang ulo nito sa semento.

Mabilis na dinala sa ospital sina Revella at Mer sa ospital pero hindi na umabot ng buhay si Revella.

Ligtas na at patuloy na ginagamot sa ospital si Mer.