Advertisers
Nadakip ang dalawang tulak ng marijuana gamit ang glass vape ng liquid marijuana sa Navotas sa koordinasyon ng Phili. Drug Enforcement Aunthoritu (PDEA) nitong Sabado.
Kinilala ni Navotas police chief PCol. Mario Cortes ang mga suspek na sina alias” Matoy” , 30, target ng buy bust, ng Tañong Malabon; at alias “Rem” , 23 ng Barangay Ibaba ng lungsod din ng Malabon na agad naaresto sa buy- bust operation.
Sa pamumuno ni Station Drug Enforcement Unit chief PCapt. Luis C. Rufo Jr., 3:00 ng madaling araw ng Sabado nang masakote sa Badeo 4, Brgy San Jose Navotas ang mga suspek.
Nakumpiska ang isang white glass vape na may tatak na ” khalifa karts” na may lamang liquid marijuana , dalawang berdeng resealable plastic bag na may tatak din na ” khalifa karts” .
Sa buy-bust, nakuhanan din sa posesyon ng isang white glass vape na may lamang liquid marijuana si alias “Rem” .
Ang mga nakumpiskang ebidensya ipasusuri sa PNP Forensic Unit para sa analysis habang nasa custodial facility ng Navotas Police at nakatakdang iharap sa inquest prosecutor para sa inquest proceedings.(Beth Samson)