Advertisers

Advertisers

Bagets nakuhanan ng P2.2m droga

0 13

Advertisers

Arestado ang 18-anyos na lalaki nang makuhanan ng shabu na aabot sa P2.2 million ang halaga sa Lucena City, Quezon province.

Kinilala ang suspek na alyas Ardy, na pinaniniwalaang miyembro ng isang drug syndicate na “Rocela drug group” at isang high-value target sa giyera kontra droga ng gobyerno.



Dinakma si Ardy nang magbenta ng P500 halaga ng shabu sa isang undercover cop sa Barangay Market View noong Sabado ng gabi, Oktubre 26.

Nakumpiska rin sa suspek ang 10 plastic sachet na naglalaman ng shabu na may kabuuang halaga na P2,244,000.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">