Advertisers

Advertisers

CAVITE GOV. TOLENTINO, MAYOR BARZAGA, GASGAS KINA ALYAS JUN TOTO!

0 1,426

Advertisers

SA kabila ng nagaganap na kalamidad, tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng mga gambling at drug operator at hindi alintana ang trahedyang dulot ng mapaminsalang bagyong Kristine na sentro ay ang CALABARZON area.

Katwiran ng mga gambling at drug lord lalo na sa siyudad ni re-electionist Dasmariñas Mayor Jenny A. Barzaga ay may utos sa kanila ang isang Dasma lokal na opisyal at tiwaling police official na huwag itigil ang kanilang operasyon na kanilang pang-araw-araw na gatasan at palabigasan kahit na nga nanalasa pa ang bagyo.

Kahit na duda pa dahil alam namang walang EZ 2 draw sa kasagsagan ng bagyong Kristine ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), palibhasa’y gumon sa sugal ang maraming residente ng Dasmarinas City ay pikit-mata pa ring nagsisitaya ang mga ito sa pabokies ng isang alyas Jun Toto.



Nirerebisa ang taya sa EZ 2 bookies ni Jun Toto sa kanilang garahe sa Brgy. San Luis, ngunit nakadududang dedma lang ito at di tinitinag ni Dasmarinas City Police Chief Lt Col. Julius B. Balano.

May pa-bookies din doon ang isang alyas Nitang Kabayo na ang ipinagmamalaking pamato ay ang gambling icon na si alyas Bong Pineda ng Region 3. Dahil sa mala-bagyo din ang impluwensya sa Cavite Provincial Government Unit ay nagawang makapag -operate ng kanilang ilegal na pasugal sa buong probinsya ng Cavite na ang safehouse ay sa nasabing lungsod.

Pare-pareho ang katwiran nina alyas Jun Toto, Nitang Kabayo at ng isang Ewang na operator ng sangkaterbang saklaan sa maraming barangay sa Dasmariñas City na may utos sa kanila ang isang mataas na local at police official na huwag ititigil ang operasyon ng kanilang ilegal na pasugalan na siyang pinagkukunan din ng pangkabuhayan at election fund para sa kampanya ng isang local government official.

Kaya kahit pa nga bumabagyo at balita na walang PCSO draw ay tuloy ang pakolekta ng taya nina alyas Jun Toto at Nitang Kabayo sa halos lahat na 75 barangay ng Dasmariñas City habang ratsada din ang mga pwesto pijo sakla ni Ewang lalo na sa Funeral Home malapit sa Sogo Hotel.

Untouchable ang operasyon ng mga bawal na pasugal nina alyas Jun Toto, Nitang Kabayo at Ewang pagkat bukod sa ipinagmamalaki ng mga itong bata-bata sila ng isang alyas Strike na bagyo kay Senador Bong Revilla ay may bendisyon pa sila sa tanggapan ng bagong kauupong Gobernadora Athena Tolentino.



Kauupo pa lamang ni Cavite Governor Tolentino matapos palitan nito sa puwesto noong October 8 ang bagong hirang na Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, ngunit gasgas na agad ang pangalan ng gobernadora dahil sa kagagawan nina alyas Jun Toto, Nitang Kabayo at Ewang na pawang tahiran ding drug pusher at gambling maintainer sa siyudad ng Dasmariñas.

Umaaktong tong kolektor sa pangalan ni Gobernadora Tolentino ang isang pulis na alyas Richard na nagpapakilala pa na bagman kuno ng tanggapan ng Cavite OIC PNP Provincial Director Col. Elieuterio Ricardo Jr.

Bukod kina Jun Toto, Nitang Kabayo at Ewang ay walang kamalay-malay si gobernadora na ipinangongolekta din ang kanyang pangalan ni alyas Richard ng lingguhang intelhencia o payola sa iba pang mga vice operator tulad nina Jojie at Alma, operator ng sakla sa buong bayan ng Amadeo, alyas Eric Turok ng Novelita, Maricon ng Naic, Hero at fake NBI agent na si alyas Elwyn na nagpapatakbo ng mga sakla den sa Bacoor City, Cavite City at bayan ng Bailen.

Wala ring kaalam-alam ang butihing gobernadora na nakapayola din ang kanyang pangalan kahit na ulanin at arawin o 24/7 sa mga pergalan (peryahan na pulos sugalan) sa Brgy. Salawag, Damariñas City ni Tetet, sa Pabahay, Naic ni alyas Lodie at mga pergalan pa ng isang Jesseca sa iba’t ibang panig ng lalawigan. May karugtong.

***

Para sa komento: Cp. No. 0966406614