Advertisers

Advertisers

Empowerment and capacity training seminar dinaluhan ni Councilor aspirant Bong Marzan

0 11

Advertisers

UPANG makatulong sa pagpapasya at pagsasagawa ng mga proyektong pangkalinisan at pangkalikasan sa barangay, dumalo si Asenso Manileño candidate for Councilor sa District IV Director Bong Marzan sa isang empowerment and capacity training seminar para sa lahat ng mga barangay officials sa Maynila.

Ang nasabing seminar ayon kay Marzan na ginawa noong nakaraang Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa San Andres Sports Complex at itinataguyod ng Manila Peace and Order Council sa pangunguna ng Liga Ng Mga Barangay, Manila Chapter at kasama rin ang Department of Public Service.

Nabatid pa kay Marzan na isa ring Direktor ng Liga ng mga Barangay na ang kanyang dinaluhang seminar ay may temang ‘Kapayapaan sa Barangay, Kalinisan sa Kapaligiran, ‘Kalinga sa Kalikasan’.



Ayon kay Marzan, napapanahon ang dinaluhan niyang seminar lalo na pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating kapaligiran. Sa pamamagitan ng proyekto na tututok sa wastong pagtatapon ng basura ay mababawasan ang pagbaha sa mga pangunahing kalsada ng lungsod. Maituturo din ng wasto sa mga residente ang iba’t-ibang paraan kung paano mababawasan ang dami ng basura at isa na rito ay ang recycling.

Samantala, ay pinaunlakan din ni Marzan ang paanyaya ng dalawang barangay sa Sampaloc na nagsagawa ng kanilang Barangay General Assembly noong Linggo.

Nagbigay ng kanyang mensahe si Marzan sa Gen. Assembly ng Brgy 538, Zone 53 sa ilalim ni Punong Barangay Remy Reyno at Brgy 457, Zone 45 sa ilalim ni Punong Barangay Diorico Coranes.

Hindi rin nakaligtaan ni Marzan ang kanyang Brgy 497 kung saan isang Halloween treat ang kanyang ibinigay sa kanyang nasasakupan partikular sa mga tsikiting at mga nakatatanda. Tuwang-tuwang namang pumarada ang mga bata na naka-Halloween costume sa kalye ng nasabing barangay. Syempre , di mawawala ang libreng food and drinks at higit sa lahat ang surprise goodies para sa lahat na mga nakiisa sa Halloween party ng nasabing barangay. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">