Advertisers

Advertisers

GOOD VERSUS EVIL

0 21

Advertisers

Salamat sa kabalahuraan at kagarapalan ng liderato ng Kongreso dahil kung hindi dito,di lulutang ang tunay na motibo at ultimate purpose ng itinatag na QUAD COMM na binubuo ng mga walang prinsipyong mambabatas.

Nabulgar ang obvious at humambalang ang kademonyohang pinaggagagawa.

Demolition laban sa mga Duterte na tanging balakid sa pag- perpetuate ng mga Marcoses in power at ang panabay na pandarambong sa pera ng bayan.



Sa ilusyon ni Speaker Martin Romualdez na maging Prime Minister matapos ang isinusulong na putang inang People’s Initiave (PI).

No matter kung gaano ang mga mambabatas na ito kagaling umarte at magbalatkayong legit at in aid of legislation ang kanilang ginagawang imbestigasyon, wala ng matinong Pilipino ang naniniwala.

Sila-sila na lang na nakikinabang at may pino-proteksyonang interes ang nagbobolahan at nagpapaikutan.

Maging ang mga lokal na constituents ng mga congressmen na ito ay sukang- suka na sa pagiging aso nila sa walanghiyang si Tambaloslos at ng pinsan nitong inutil sa Malacanang.

Sa malaon at madali,ang mga taong ito ang mismong mag- away- away at magkakagatan sa bandang huli.



Habang aliw na aliw ang mga asong ito ni Tambaloslos sa kanilang “palabas” at. zarzuelang komedya sa Kongreso,palala nang palala ang peace and order situation sa bansa.

Sunud- sunod ang mga walang takot na patayan at iba’t ibang krimen gaya ng panggagahasa, panloloob ng mga tahanan at establisimiyento, pagkalat ng droga,pamamayagpag ng mga gun for hire syndicates at iba pang organized crimes.

Pati ang kapulisan ay demoralisado dahil inutil laban sa masasamang gawain ang kanilang mga opisyales na namumuno.

Mabuti na lamang at papalapit na ang halalan kung saan muling maririnig ang boses at pasya ng taong bayan sa pamamagitan ng kanilang sagradong boto.

But beware!

Sakaling labutawin din ng kasalukuyang administrasyong Marcos Jr. ang sagradong proseso ng eleksyon,dito na sisiklab ang poot ng sambayanan.

Eto lamang ang tanging pinakaka- aantay ng bawat Pilipino.

Gaya ng kasaysayan kung saan matapos ang malawakang pandaraya sa isinagawang snap elections ni Marcos Sr. noong dekada 80, ito ang nagsilbing hudyat at mitsa para sa Isang People Power Revolution na nagpatalsik sa poder sa yumaong diktador panabay ng pagpapalayas sa buong angkang Marcos at ng mga cronies nito sa bansa.

Bahagi na ito ng kasaysayan ng ating bansa.

As if history is repeating itself gaya noong 1986, but this time ibang mga itsura, pagmumukha at personage ang makakasamang mapapalayas ng Pilipinas ni Marcos Jr.

Mga buwayang nagpasasa sa kaban ng bayan at nagpagamit sa pamilyang markado na sa pagnanakaw at pandarambong sa kaban ng bayan.

Maaring marami sa mga KAMPON ni Marcos Jr. ang magtatawa at magsasabi na ubod ng tibay ang moog na nagkukubli sa kanilang kawalanghiyaang,pero sabi nga sa kasabihan, ang kasamaan kailan man ay hindi magwaeagi laban sa kabutihan.

Ang mga KAMPON ni Satanas kailanman ay mananatling sa impiyerno ang destinasyon.

At ang nabubuhay at umaasa sa gawing masa gaya sa paggamit ng droga,pangungulimbat at pang- aabuso sa kapangyarihan ay masusunog sa impiyerno at isusumpa ng Diyos dahil demonyo ang pina-Panginoon ng mga ito.

“What goes around, comes around”!

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit halos buwan- buwan ay dinadalaw ng salot, trahedya at DELUBYO ang Pilipinas?

Para imulat ang mga mata ng mga Pilipino.

Dahil langit na ang nagsasabing makasalanan ang nagkukunwaring banal na nananahan sa Malacanang!

In short,kailangang i-sanitize at i- exorcise ang Malacanang na seat of power ng bansa na pinasok at pinamamahayan na ng mga Diablo at ng masasamang ispiritu!

May kasunod …

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com