Advertisers

Advertisers

Matthew M at Jamie H “Furparents” na, ’24 Science Journalism Forum sa Oktubre 28-31

0 30

Advertisers

Ni Oggie Medina

SINA Ilocos Norte Gov. Matthew Manotoc at news anchor-beauty queen Jamie Herrell ay may alagang dalawang aso. Masaya ang mga aso sa piling ng kanilang “furparents”.

Una palang pagkakita at pagkamay ko kay Matthew noon ay siya na nga ang nasa panaginip ko na magiging lider ng ating bansa sa darating na panahon: Matangkad. Tamang-tama ang pangangatawan. Nabibilang sa Millennials/Generation Z. Ipinanganak sa ibang bansa. Mapagkumbaba. Magalang. Magsisilbing “unifying factor”. At higit sa lahat kamukha niya ang mabuting lalaki sa aking panaginip na nakangiti. Payo ng kanyang ina, si Sen. Imee Romualdez Marcos, na maging mapagkumbaba at magalang at ito ang nasaksihan ko kay Gobernador Matthew.



***

SA Nob. 16 na ang Himala sa Buhangin sa Himala Arts & Music Festival sa Paoay San Dunes sa Ilocos Norte. Magsaya sa indie vibes, rock anthems, at soulful tunes ng mga local bands Peach, Magrus, at Kaizen. Nandoon din sina singers Shanti Dope at Zack Tabudio, ang performances ng Alab Poi Fire Dancers, LED Dancers at Belly Dancers, sina Batosay at Migs, comedians Fhukerat, Queen Dura at Ernalyn, sina Kimpoy Feliciano at John Bonifacio.

Ang mga residente ng Ilocos Norte ay may ???????? entry, habang VIP tickets sa mga gusto ng upgraded experience na pwedeng mabili at kontakin ang himala.ilocosnorte.ph. Para naman sa mga non-locals maaring makabili ng tickets sa SM Tickets sa smtickets.com/events/view/13766.

***

ANG aking lolo’t lola ay ikinasal sa Aglipayan Church. Sana magkita kami muli ng aking mga kamag-anak sa Batac, Ilocos Norte.



***

NATANGGAP ako sa 12/2-3/2022 Massachusetts Institute of Technology’s Knight Science Journalism Advanced Fact-Checking Workshop. Sa Science Journalism Forum (SJF) 2022, nanguna ang Pilipinas (ako ang kinatawan) sa Whova Leaderboard, pumangalawa ang Bangladesh (female journalist Farhana Nila) at pumangatlo ang Pakistan (male journalist Satram Sangi).

Noon 2023, nag-No. 3 ang Pilipinas (ako ang kumatawan) sa SJF 2023 Leaderboard, pagkatapos nina 1st placer Hassan AbouSeada (pinuno ng Frequency Coordination Department ng Egyptian Space Agency) ng Cairo, Egypt at 2nd placer Bouda Brahim, isang freelance journalist sa Algiers, Algeria. Si Marshall Asis (No.10) mula sa Department of Agriculture’s Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering ay napasama sa Top 10.

Sa Oktubre 28th-31st, 2024 ay muling magkikita ang mga science journalists sa iba’t ibang panig ng mundo sa 2024 SJF.