Advertisers

Advertisers

REWARD SYSTEM SA WAR ON DRUGS KINUMPIRMA NI DE LIMA!

0 2,317

Advertisers

Anuman’g pagkakaila at pagmamaang-maangan ng mga matataas na personalidad ay malalantad din ang katotohanan tulad sa pagkumpirma ni EX-SENATOR LEILA DE LIMA sa kaniyang naging pagdalo sa CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) na pinairal ang REWARD SYSTEM sa inilunsad na WAR ON DRUGS sa termino ni EX-PRES. RODRIGO DUTERTE na nagresulta sa walang habas na EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK) at panggigipit sa mga tulad niyang dating JUSTICE SECRETARY at isa sa mga sumasalungat sa dating administrasyon.

Ang mga naging pagsisiwalat ni EX- PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) GENERAL MANAGER ROYINA GARMA ay KINUMPIRMA ito ni DE LIMA na totoo ang mga tinuran nito lalo na sa tinaguriang DAVAO MODEL at ang REWARD SYSTEM na diumano’y umiiral noong kasagsagan ng WAR ON DRUGS CAMPAIGN ni EX-PRES. DUTERTE.

Mga ka-ARYA.., ang DAVAO MODEL ay isang sistema ng pagbibigay gantimpala upang mahikayat ang mga POLICE OPERATIVE na magsagawa ng agresibong mga operasyon laban sa droga kapalit ng bayad.., at sa modelong ito ay nakalaan ang mga gantimpala
batay sa bilang ng mga drug suspect na naaresto o napatay sa mga operasyon na depende pa rin sa estado ng mga naaaresto o napapaslang.., na ang model na ito ay binuo ni DUTERTE noong siya pa ang DAVAO CITY MAYOR.



Sa pamamagitan ng mga POLICE SCALAWAG ay inorganisa ni DUTERTE ang SPECIAL TASK FORCE na kilala bilang DAVAO DEATH SQUAD upang magsagawa ng mga pamamaslang sa asiste ng mga INFORMANT at mga HITMAN

Ang mga INFORMANT ang magbibigay ng mga detalye ukol sa mga hinihinalang personalidad ng droga habang ang mga HITMAN ang magsasagawa ng pamamaslang. Ang mga HIGH PROFILE na mapapaslang ay binibigyan ang mga operatiba ng gantimpalang nagkakahalaga ng P500,000.00 hanggang P1,000,000.00.., na ang pagpatay sa mga karaniwang drug suspect ay binibigyan ng premyong pera mula P20,000.00 hanggang P50,000.00.

Ang testimonya ni GARMA ay pinatotohanan ni DE LIMA sa naging talumpati nito.., na noong siya pa ang CHAIRPERSON ng COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (CHR) ay nakatanggap umano siya ng iba’t ibang testimonya mula sa mga saksi ukol sa REWARD SYSTEM.., na pagpapatunay lamang ito sa mga ebidensiyang nagsisilabasan na magdidiin kay DUTERTE bilang MASTERMIND sa inabusong WAR ON DRUGS.

Si DE LIMA na matagal nang kritiko ni DUTERTE ay inakusahang sangkot sa ILLEGAL DRUGS noong siya ang JUSTICE SECRETARY mula 2010 hanggang 2015.., na ang mga akusasyong ito ay nauwi sa kanyang matagal na pagkakakulong mula 2017.., at ang karamihang tumestigo laban sa kaniya ay mga nahatulang drug traffickers.., na umano’y nakinabang siya sa kalakaran ng droga sa loob ng NEW BILIBID PRISON.., subalit sa katotohanan ay ginamit ni DUTERTE ang kanyang kapangyarihan bilang PRESIDENT upang ipiit nang labag sa batas ang isa sa kanyang pinakamakapangyarihang kritiko.

May malawak na kaalaman si DE LIMA sa BLOODY WAR ON DRUGS ni DUTERTE at dahil diyan ay naramdaman ng huli na silbing banta sa kaniya ang una dahil sa hindi makatarungang pagkakakulong ng una.., tulad ngayon ay nananawagan si DE LIMA kay DUTERTE na harapin ang mga alegasyon laban sa kanya at humarap sa batas.



Sa ngayon.., ang maipapakita
lamang ni DUTERTE ay ang nawala niyang tapang.., na ang kaya lamang niyang gawin ay mag-ingay at magsinungaling sa publiko na handa niyang harapin ang imbestigasyon ng CQC.

Ang ipinairal nitong REWARD SYSTEM ang nagdulot ng walang saysay na pagpatay sa libu-libong indibidwal noong panahon ng kanyang pamumuno.., at ang tanging makabubuti sa publiko ay ang pagdalo niya sa mga pagdinig upang sa mismong bibig niya marinig kung ano man ang kaniyang ipangangatuwiran!

***

MGA PULIS DAPAT TECHY!

Ito ang tinuran ni NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE (NCRPO) OFFICER IN CHARGE, MAJOR GENERAL SIDNEY HERNIA sa naging talumpati niya matapos pangasiwaan ang OATH TAKING ng mga bagong opisyales ng NCRPO PRESS ASSOCIATION noong Martes (October 15, 2024) na ginanap sa CAMP BAGONG DIWA, BICUTAN, TAGUIG CITY.., na ang lahat ng mga pulis ay marapat na maging knowledgeable sa teknolohiya para sa mabilis na pagresponde sa mga gampanin ng ating LAW ENFORCERS.

Para sa ating mga mambabasa.., ang kahulugan ng salitang TECHY ay ipinatutungkol sa taong marunong o bihasa sa larangan ng sopistikadong teknolohiya.., lalo na’t sa panahon natin ngayon ay mga modernong gadget na ang hinahawakan ng mga tao, maging mga bata o matatanda ay may mga sariling celfone, computer, laptop, mga sopistikadong camera at communication gadgets.

Si MAJ. GEN. HERNIA ay kabilang sa PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY – TANGLAW- DIWA CLASS 1992 na ito ang nagkamit ng pagiging MAGNA CUM LAUDE sa MILITARY SCIENCE DEGREE at ang huli nitong position na pinangasiwaan ay ang pagiging PNP-ANTI CYBERCRIME GROUP (ACG) DIRECTOR na nitong October 9, 2024 ay normal na isinalin sa kaniya ni MAJ. GEN. JOSE MELENCIO NARTATEZ JR ang pagiging NCRPO ACTING CHIEF dahil ang huli ay na-promote sa posisyon bilang PNP-DEPUTY CHIEF FOR ADMINISTRATION.

Sa pagiging TECHY ni MAJ. GEN. HERNIA ay naging malaking instrumento ang pinangasiwaan niyang ACG sa pagtunton at pagkabuwag ng ILLEGAL POGO sa BAMBAN, TARLAC at sa PORAC PAMPANGA na aniya ang successful ng operations ay hindi lamang achievement ng kanilang unit kundi achievement ito ng buong PNP OPERATIVES.

Sa pagiging NCRPO OFFICER-IN-CHARGE ni HERNIA ay nilalayon nitong maging TECHY ang lahat ng mga pulis sa buong METRO MANILA.., kaya naman may mga batch na ng mga pulis ang sumasailalim sa TECHNOLOGICAL TRAINING para magamit sa mabilis na proseso at pagresolba ng iba’t ibang kriminalidad.

Sa OATH TAKING ng NCRPOPA ay naihayag din ni HERNIA na hindi niya sasaklawan ang mga REPORTER para sa malayang pamamahayag na inihayag naman ni NCRPOPA PRESIDENT LEA BOTONES ng diyaryong REMATE na mapalad ang grupo dahil ang bagong OIC ng NCRPO ang nangasiwa ng seremonya at sa larangan ng mga pagbabalitaay mananatili ang magandang samahan ng mga pulis at mediamen na lahingbiiral ang patas na pamamahayag.

Ang mga nanumpang bagong opisyales ng NCRPOPA ay sina PRESIDENT LEA BOTONES; VICE-PRESIDENT NEIL ADRALES ng DAILY TRIBUNE; SECRETARY NEP CASTILLO ng BRABO NEWS; TREASURER IRWIN CORPUZ; SGT. AT ARMS RAFFY RICO ng NOON BREAK BALITA at FRED SALCEDO ng DPR TV; BOARD OF DIRECTORS JOSEPH MUEGO ng MANILA STANDARD; GINA PLENAGO ng BULGAR; JOJO SADIWA ng POLICE FILES TONITE; NOLAN ARIOLA ng RADIO VERITAS at LEADER NEWS PHILIPPINES; FRANCIS SORIANO ng SAKSI; at si LORENZ TANJOCO ng RADYO PILIPINAS.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.