Advertisers
SUNUD-SUNOD ang mga dambuhalang kaganapan sa sports dito sa Puerto Princesa City.
Tampok ang sasambulat ngayong ICF World Dragonboat Championship dito sa tourist hub na Baywalk.
Ang naturang prestihiyosong international event na lalahukan ng mga world caliber paddlers mula Europe, USA at Asia ay naging realidad sa pagtutulungan ng Puerto Princesa government na pinamumunuan ni Mayor Lucilo Bayron na naging tanyag sa pagiging sports tourism destination ng bansa lokal man at banyaga at siyempre ng liderato ng national sports association( NSA) na Philìppine Canoe Kayak Dragonboat Federation ( PCKDF) sa pamumuno ng workaholic president na si Len Escollante.
Lahat ng mga. delegasyong nagsidating na dito sa Puerto Princesa ay namangha at humanga sa mahalinang Puerto Princesa sa aspeto ng ganda ng kapaligiran , sa baybaying karagatan, bulubunduking tanawin ng isang kagubatang alaga ng pamahalaan at ang malinis at mapayapang kalunsuran dahil sa sistematikong pamamahala ni Mr. Environmentalist Mayor Bayron.
Kaya naman ang kay -gandang Puertò Princesa ay asensado at progresibo dahil na rin sa turismo kaya rason dito ay tiyak na ang panibagong mandato kay Mayor Lucilo Bayron…ABANGAN!
Kasunod pa nito ang isa pang dàmbuhalang Palaro na sasambulat sa huling bahagi ng Nobyembre ng taon sa pagtutulungan ng Philippine Sports Commission at Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa -ang national youth sports event na BATANG PINOY GAMES! Tiyak na babalikan ang naturang kabisera ng Palawan dahil sa we left our heart in Puerto..MISMO!