Advertisers

Advertisers

Gov. Tolentino kaladkad sa ‘kolektong’ nina Jun Toto at Richard

0 1,458

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

NAGBABALA ang grupo ng anti-vice crusader sa REGION 4A kay Cavite Governor Athena Tolentino na maging mapanuri at magpaimbestiga hinggil sa aktibidad ng grupo ng gambling at drug operator na umaakto ring ‘tong kolektor’ sa mga ilegalistang nag-o-operate sa mga siyudad at bayan sa Cavite, na gumagamit sa pangalan ng gobernadora upang makapangikil ng milyones na lingguhang ‘protection money’.

Si Gov. Tolentino ang bagong ina ng lalawigan ng Cavite, kapalit ni Jonvic Remulla na kamakailan ay nahirang na kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), na kung ilarawan ng mga political expert ay isang lingkod bayan na ‘di matatawaran ang serbisyo publiko.



Bilang dating Bise-Gobernador, ang batang bata na lady politician ay incorruptible, walang batik ang pangalan, ngunit dahil sa isang “Jun Toto” at isang aktibong pulis na alyas “Richard” ay napuputikan ang malinis nitong imahe, ayon sa grupong Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB).

Ang bagong gobernadora ay miyembro ng kilalang political clan sa Cavite, partikular sa progresibong siyudad ng Tagaytay.

Si Jun Toto ay operator ng mga iligal na sugal tulad ng lotteng at EZ2 bookies sa siyudad ni Dasmariñas Mayor Jenny A. Barzaga at iba pang lungsod at bayan sa probinsiya ng Cavite, samantalang si alyas Richard bagama’t isang pulis ay mistulang “putok sa buho” na bigla na lamang sumulpot sa naturang lalawigan nang maupo bilang PNP OIC Provincial Director si Colonel Elieuterio Ricardo, Jr.

Nagpapakilala itong “bagman” ng butihing kernel at pinagbabanduhan sa mga vice operator tulad ng Lotteng, STL, EZ2 bookies, sakla, pergalan (peryahan na pulos sugalan) maintainer, paihi o buriki at iba pang ilegalistang nag-o-operate sa lalawigan na siya ang sugo ng PNP hierarchy mula Camp Crame, PNP Region 4A at Cavite Provincial Office upang pamahalaan dito ang kalakaran ng ilegal.

Si Jun Toto, ayon sa MKKB, bukod sa isang gambling lord ay tulad din ni alyas Richard na sangkot din sa kalakalan ng droga na umiikot sa mga operator/financier ng ibat ibang uri ng ilegal at nagpapakilalang bata-bata o pinagkakatiwalaan ng alyado ng gobernadora.



Sinabi din ng MKKB na ipinaliwanag nina alyas Jun Toto at Richard na sila ang naatasan na “pumitas” o “dumampot“ sa lingguhang ibibigay ng mga vice lord at kanilang ide-deliver ang payola sa Office of the Governor sa Capitol Building, sa PNP Region 4A at Cavite Provincial Police.

Si Jun Toto kung isasalarawan ng mga nakakakilala sa mundo ng ilegalista ay tuso at beteranong EZ2 at lotteng operator na matunog din ang pangalan bilang big-time drug trader sa Cavite at Metro Manila.

Nirerebisa ang taya sa EZ2 bookies ni Jun Toto sa kanilang garahe sa Brgy. San Luis, erya ni Dasmariñas City Police Chief, Lt Col. Julius B. Balano.

Kabilang din sa kinokolektahan nina alyas Jun Toto at Richard ng “weekly” na P750K ay ang paihi/buriki maintainner na si alyas Amang at Violago Group na may kuta sa Brgy. Bancal, Carmona City.

Dekada-dekada nang nagnanakaw ng petroleum at LPG products sina Amang at kasosyong Violago Group sa siyudad ni Mayor Dahlia Loyola, ngunit dahil sa “tongpats” ay ‘di matinag ang operasyon ng mga ito nina Col. Ricardo Jr. at Carmona City Police cChief LtCol. Jefferson Ison.
Nag-aambag din sina Amang at Violago ng campaign fund para sa ilang lokal na opisyales ng siyudad.

Kasama din sa payola nina alyas Jun Toto at alyas Richard ay ang tig P50K weekly na nagmumula sa isang “Ewang”, ang operator ng sangkaterbang saklaan sa maraming barangay sa Dasmariñas City at pwesto pijong sakla sa Funeral Home malapit sa Sogo Hotel at iba pang sakla operators na kinabibilangan nina Jojie na operator ng sakla sa buong bayan ng Amadeo, alyas Eric Turok ng Novelita, Maricon ng Naic, Hero at fake NBI agent alyas Elwyn na nagpapatakbo ng mga sakla den sa Maragondon, Bacoor City, Cavite City at bayan ng Bailen.

Isinali din sa payola nina Jun Toto at alyas Richard ang pangalan ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil, tulad ng sa Brgy. Salawag, Damariñas City na ino-operate ni Tetet, sa Pabahay, Naic ni alyas Lodie at sa mga pergalan ng isang Jesseca sa iba’t ibang panig ng lalawigan.