Advertisers
Bagamat napapanatili ng Quezon City Police District (QCPD) ang katahimikan at kaayusan ng lungsod partikular na ang para sa seguridad ng milyong QCitizens sa pamamagitan ng iba’t ibang programa o kampanya laban sa kriminalidad sa lungsod, lalo pang pinaigting ng pulisya ang kanilang programa para sa kaligtasan ng mamamayan.
Bilang tugon sa direktiba ni QC Mayor Joy Belmonte kay QCPD Acting District Director, PCol. para sa ligtas na QC, naglunsad ng karagdagang programa si Buslig para sa seguridad ng mamamayan ng lungsod – ito naman ay para sa seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral – ang “Project Ligtas Eskwela”.
Sa programang ito ni Buslig, tulad ng nais ni Mayor Joy na matiyak ang seguridad ng QCitizens saan man dako ng lungsod, prayoridad ng proyekto na matiyak ang kaligtasan at seguridad sa mga paaralan sa iba’t ibang eskuwelahan sa lungsod.
Katunayan, batid na ang prayoridad ng programa ay para sa kaligtasan ng milyong mag-aaral sa lungsod, isa rin sa inisyatiba ng proyekto ay ligtas na kapaligiran sa mga eskuwelahan gayundin ang kaligtasan ng mga guro, at kawani ng mga paaralan.
Sa pagsimula ng Project Ligtas Eskuwela nitong Oktubre 22 2024, nagtalaga ang pulisya ng 273 Police Assistance Desk (PAD) sa iba’t ibang paaralan, nagsagawa ng 171 security activities, at pagkalat ng 481 personnel para mapanatili ang presensya ng pulisya sa bisinidad ng mga paaralan.
Nagsagawa na rin ng pagbisita ang QCPD sa 179 na paaralan sa lungsod at nag-alok ng suporta at direktang pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral, mga guro at kawani.
“Our officers are here to support and stand alongside our students and teachers. With every PAD we set up and every school we visit, we reinforce our pledge to the welfare and security of our youth. Through “Project Ligtas Eskwela,” the QCPD not only upholds its mission to foster a safe educational environment across Quezon City but also fulfills the directive of Quezon City Mayor Joy Belmonte and NCRPO Acting Regional Director, PMGEN Sidney S Hernia, to protect and support every student and educator in the city and region, respectively,’ pahayag ni Buslig.
Sa karagdagang progama ng QCPD para sa ligtas na lungsod – ligtas na mga mag-aaral, Iyan si Col. Buslig, naiibsan ang pangamba ng mga magulang ng mag-aaral para sa kanilang mga tsikiting sa pagpasok sa skul at pag-uwi lalo na iyong mga mag-aaral na walang maghahatid sa skul at magsusundo papauwi.