Advertisers
TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na may mga foot and mobile patrols sa mga residential areas ngayong Undas.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni PNP spokesperson PBGen. Jean Fajardo na mag-iikot ang mga police mobiles para i-monitor ang seguridad ng publiko, katuwang ang mga barangay tanods.
Sa ganitong paraan, ayon kay Fajardo ay masisiguro na habang ang mga kababayan natin ay pupunta sa kanilang mga mahal sa buhay sa mga sementeryo, may mga maiiwan sa mga barangay at bawat sulok ay may presensya ng mga pulis, kasama ang mga force multipliers.
Maliban aniya sa police assistance desks, halos dalawampung libong pulis (18,800) ang ikakalat ng PNP sa iba’t ibang panig ng bansa, partikular sa mga sementeryo, mga transport terminals, pantalan, Paliparan, at lalo na sa mga lugar na apektado ng nagdaang kalamidad kung saan nagpapatuloy ang retrieval at relief operations.
Katuwang ang augmentation teams, ipinunto ni Fajardo na ang mga alagad ng batas na naka-deploy na para sa disaster response ay hindi na aalis sa kanilang areas of responsibility habang ang iba pang mga tauhan ay ide-deploy naman sa Undas. (Gilbert Perdez)