Advertisers

Advertisers

WORKSHOP SA BAGUIO

0 17

Advertisers

ISANG 2-day workshop ang idinaos sa Mahogany Hall, ng El Cielito Hotel sa Baguio City, niyong nakaraang linggo na ang focus ay ang mga pangangailangan ng mga dating rebelde na nagbalik-loob na sa pamahalaan at muli nang namumuhay sa kani-kanilang mga komunidad.

Nagsama-sama ang mga dating rebelde at mga kawani ng pamahalaan upang talakayin ang mga pamumuhay sa tinatawag na
Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).

Ang workshop na ikinasa para sa pagpaplano o’ Project Management Planning Poverty Reduction, ay ideya nh Livelihood, and Employment Cluster (PRLEC) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).



Layunin nito na mahimay at mabigyan na solusyon ang mga problema sa GIDAS kung saan namumuhay din ang mga dating rebelde bilang miyembro muli ng komunidad.

Sila mismo ang nagbahagi ng kanilang mga pangangailangan ng kanilang lugar at ang mga kawani at opisyal naman ng pamahalaan ang hahanap ng paraan para matugunan ang mga pangangailangang ito.

Magandang hangarin, di po ba? Maibibigay ng workshop ang tamang solusyon, lalo na sa kahirapan sa mga GIDAS. At mismong sa mga dating rebelde nagmula ang hinaing na dati ay kanilang idinadaan sa armadong paghahayag, at ngayon ay pwede naman palang idaan sa malumanay at maayos na pamamaraan, nang wala pang namamatay, napapatay o pinapatay.

Nandun din sa workshop ang mga kinatawan ng National Irrigation Administration (NIA), National Dairy Authority (NDA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Labor and Employment (DOLE), and Cooperative Development Authority (CDA). Ang sa kanila naman, ay para maipakita sa mga dating rebelde na ang kanilang pamahalaan ay talagang naka-alalay.

Matutugunan ng mga ito ang mga pangangailangan ng mga GIDAS na inihayag ng mga dating rebelde at mga simpleng mamayan sa mga lugar na ito na datin ay lagi nang binubulabog ng kaguluhan.



Saan pa ba patutungo ito, kung di sa magandang pamumuhay at tahimik na komunidad na balang araw ay siguradong makakaranas na ng kaunlaran.