Advertisers

Advertisers

Angelica masakit pa ang ‘di naoperahang balakang

0 5

Advertisers

Ni Rommel Placente

SA kanyang YouTube vlog, ibinahagi ni Angelica Panganiban ang kanyang health journey ngayong nagpapagaling na siya matapos sumailalim sa hip replacement surgery, ilang araw na ngayon ang nakakaraan.

Sabi ni Angelica,“Swiftly naman akong nakaka-recover. Fourth day after the surgery nakalakad na ako without the walker.



“Medyo mayabang ‘yun kasi hindi lahat nagagawa ‘yun and siyempre iba-iba naman tayo ng pag-recover, kanya-kanyang katawan ‘yan, kanya-kanyang midset ‘yan,” pagbabahagi ni Angge.

“Siguro talagang ako ay palaban and kating-kati na talaga akong makalakad ng normal. Yes, nakakapag-mall na kaming pamilya, nakakapasyal na.”

Kung minsan daw ay nakararamdam pa rin siya ng sakit sa kanang bahagi ng kanyang balakang na hindi pa naooperahan.

“Although still, talagang iniinda ko pa rin ‘yung right side ng hips ko. At least hindi na parehas, hindi na parang bibigay ‘yung buong lower body ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

“Manageable ‘yung pain, pero siyempre hindi pa rin isang daang porsyento ‘yung naramdaman kong ginhawa so I am hoping na sa therapy na ginagawa ko ay makatulong ‘yun sa aking naiwang right hip,” sey pa ng aktres.



Sisimulan daw agad ni Angge ang tinatawag na low impact workout kapag may clearance na mula sa kanyang doctor.

“Medyo excited ako du’n kasi mai-strengthen talaga ‘yung katawan ko and nu’ng ginagawa ko siya noon, nakakatulong siya na mabawasan ‘yung pain.

“Kasi nalilipat talaga niya ‘yung strength ng lower body ko sa mga muscles. Lumalakas kahit papano ‘yung muscles ko sa legs,” esplika pa niya.

***

ISA ang pelikulang And The Breadwinner Is, na bida si Vice Ganda, na official entry sa darating na MMFF 2024. Excited ang Unkaboggable Star sa pagbabalik MMFF nito. Last year ay wala siyang entry sa taunang film festival.

Ayon kay Vice, kakaiba raw ang ginawa niyang atake sa bago niyang pelikula. Ang layo-layo raw nito sa mga nagawa niya before.

Sabi niya, ” Hindi siya ‘yung maliwanag, matingkad, makulay, baklang bakla. Ibang atake, ibang feels.”
Nanginig daw siya nung makita niya ang teaser ng nasabing pelikula at masasabi niyang binago siya ni direk Jun Lana na first time rin niyang nakatrabaho bilang direktor.

Sa tanong kung hindi na ba siya magko-comedy sa pelikula niya, sey niya ay nakakatawa pa rin naman daw ito pero its’familiar but different aniya. ‘Yun naman daw ang sinabi sa kanya ni direk Jun. Hindi raw siya totally babaguhin.

Ang nakasurpresa kay Vice, hindi raw pina-preview sa kanya ang mga kinunang eksena niya gaya ng nakagawian, kaya wala raw siyang ideya kung paano niya ito naitawid.