Advertisers

Advertisers

Bye na talaga Daniel… Kathryn game na mainlab at magka-syota ulit

0 14

Advertisers

Ni Jimi Escala

HANDA na raw main love muli ang kapamilya Star at Box-office Queen na si Kathryn Bernardo. Ito Ang binanggit ni Kathryn nang naging guest siya sa programa ng King of Talk Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda.

After more than a year nang maghiwalay sila ni Daniel Padilla ay very much ready na raw si Kathryn na buksan muli ang kanyang puso para makipag boyfriend, huh!



Ayon pa Kay Kath, sakali mang dumating at makita na niya ang lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso ay handang-handa na raw ang Kapamilya superstar.

Sa deretsahang tanong ni kuya Boy kung handa na siyang magkaroon ng boyfriend,

“Kathryn, yes or no, are you ready to fall in love again?” Na sinagot agad ni Kathryn ng, “Yes!”

So there ..

***



NAKILA muna bilang VJ ng MYX channel noong 2016 bago siya pumalaot sa mundo ng showbiz.

Sa tulong siyempre ng kanyang mother studio, ABS CBN ay nagtuloy-tuloy ang kasikatan ni Donny Pangilinan at patuloy ang paggawa ng binata ng mga projects.

Siyempre, happy ang binata sa takbo ng career niya at lalo na ngayong muling pumirma siya ng kontrata sa Kapamilya network kamakailan.

“I’m just super happy to be here in ABS-CBN. Time flies so fast. But I know that there’s so much more in store and I’m here with you guys and I am very, very much ready to overcome what we need to overcome,” bungad pa ni Donny sa interview.

Masayang-masaya ang mga magulang ni Donny na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan sa tulong na rin ng Star Magic na nangangalaga sa career ng anak nila, huh!

Itinuturing ni Donny na pangalawang pamilya na ang pamunuan ng ABS-CBN.

Aminado rin si Donny na may ambag din sa kanyang kasikatan ang ka-loveteam niyang si Belle Mariano.

Starting Nov. 25 ay mapapanood na sa pamamagitan ng Viu ang How To Spot A Red Flag na muling pagbibidahan nina Donny at Belle.