Advertisers
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Nobyembre 4, Lunes, bilang special non-working day sa lalawigan ng Quezon.
Ito’y bilang paggunita sa death anniversary ng local hero na si Apolinario dela Cruz o mas kilala bilang Hermano Puli.
Sa ganitong paraan, ayon sa Executive Order No. 730, ay mabibigyan ng buong pagkakataon ang mga taga-Quezon na kilalanin at gunitain ang kabayanihan at kagitingan ni Puli sa pamamagitan ng naaangkop na seremonya.
Ang direktiba ay nilagdaan ni Exec. Sec. Lucas Bersamin noong Oktubre 31 ngayong taon. (Gilbert Perdez)