Advertisers

Advertisers

PBBM ‘NO COMMENT’ SA BANTA NI VP SARA

0 14

Advertisers

TUMANGGING magbigay ng pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng naging komento ni Vice President Sara Duterte laban sa kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa kanyang pagbisita sa puntod ng dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani (LNB) sa Taguig City, sinabi ni PBBM na ayaw niyang magsalita o magkomento ukol dito.

Makaraang dumalo sa misa na inalay ng pamilya Marcos sa LNB, natanong ng media ang presidente hinggil sa banta ni Duterte na hukayin ang mga labi ng nakatatandang Marcos at itapon ito sa dagat.



Nang tanungin kung umabot na ba sa “point of no return” ang relasyon nila ni VP Sara, sumagot si Pangulong Marcos na, “Pag-usapan na lang natin ‘yan sa ibang pagkakataon.” (Gilbert Perdez)