Advertisers
Kahit sikat na NBA player na si Stephen Curry ay sinikap niyang tapusin ang kanyang pag-aaral.
Mangyari ay yan ang pangako niya sa kanyang ina. Kayo noong 2022 ay nag-graduate siya ng Bachelor of Arts in Sociology sa Davidson College. Wala sa kanya na $45.8 M ang kinita sa taon na iyon. Ang mahalaga ay natupad niya ang promise sa kanyang mom at mabuti siyang halimbawa sa mga anak.
Isa pa niyang kakaibang ginawa ay nagbitiw siya ng salita noong 2013 na mag-donate ng tatlong kulambo sa mga pamilya sa Tanzania sa bawa’t maibuslo niyang tres. Kaya bale 816 na mosquito net ang napagkaloob niya sa Nyarugusu Refugees Camp sa naturang bansa sa Africa.
Hindi rin pumaris sa mga kapwa niyang mga bantog na manlalaro na kung hindi Nike o Adidas ang pinipiling iendorsong sapatos. Tumaya siya sa Under Armour na kanyang sinusuot hanggang ngayon.
Sinsabing isang bilyong dolyares na ang halaga ng kontrata niya sa lifestyle brand.
Iba talaga mga hakbang tinatahak ng pinakamahusay sa rainbow shot.
***
Bigshot talaga ang Arena Plus. Kaya puro bigating player ang kinukuha nilang endorser.
Bukod kay Fil-Am cager Jordan Clarkson ng Utah l at Scottie Thompson ay commercial model na rin nila ang fan favorite na si Austin Reeves ng LA Lakers.
Parehong napapannod ngayon ang dalawang Kano sa magkaibang TV 30 seconder ng online gaming app.
Batid nila kung sino malakas sa Pinoy na hindi naman nasa kategorya nina LeBron James at Kevin Durant.
***
Isa sa pinakamatagumpay na coach sa PBA si Yeng Guiao. Mayroon pitong titulo sa pro league ang dating bise-gobernador ng Pampanga.
Kilala ring istrikto at mabungangang mentor pero mahal na mahal ng mga basketbolista ang 65 años na Kapampangan.
Marahil dahil hindi niya pinepersonal ang galit sa game at praktis.
Pati yung mga sinigawan o inaalaska niyang mga kalaban ay naiintindihan na psy- war lang yung ng katunggaling bench tactician.
Minsan ay tinawag niyang binabae ang rookie noon na si Rico Maierhofer pero sa halip na mainis at masira ang laro ay inirapan na parang bading si Coach Yeng.
Batid na kasi ni Rico na istayl lang yan ni Guiao.