Advertisers

Advertisers

UNDAS 2025

0 15

Advertisers

Iginiit ng Land Transportation Office (LTO) ang pagnanais nitong makapaghatid ng hassle-free at ligtas na biyahe para sa mga motorista kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Santo at Kaluluwa.

Dahil dito, sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II na aalalay ang mga personnel ng ahensiya sa mga bus terminalS, pangunahing lansangan, at maging sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga tao.

Una nang nag-deploy ang LTO ng mga personnels nito para umalalay sa mga biyaherong uuwi sa kanilang mga probinsya.



Marami sa mga ito ay nagsasagawa ng inspection sa mga pampasaherong sasakyan para matiyak ang road worthiness.

Ang iba ay naatasang magsagawa ng random drug testing sa mga bus driver at mga conductor.

Ayon kay Mendoza, umaasa ang kanyang opisina na makikipag-cooperate ang mga bus companies at gagawin nila ang kanilang parte upang matiyak na mabantayan at maprotektahan ang kapakanan ng mga biyahero.

Sa panig ng LTO aniya, sisiguraduhin nilang mababantayang maayos ang mga bibiyaheng sasakyan, driver, at mga helper, bilang bahagi ng kanilang tungkulin.

Nag-deploy din ng karagdagang bilang ng pulisya sa buong NCRPO sa mga lugar na kinaroroonan ng malalaking cemeteries upang ma-secure ang kaayusan.



Naka-code white naman ang mga ospital sa buong bansa bilang kahandaan sa pagdagsa ng karamihan sa mga tao sa mga sementeryo.

Inaasahan di bababa sa 5 milyong katao ang dadagsa sa mga libingan ngayong Undas 2025 para gunitain ang All Saints and All Souls Day ngayong taon sa kalakhang-Maynila pa lamang,

Keep Safe everyone.

A friendly reminder from REALIDAD and Police Files Tonite.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com