Advertisers

Advertisers

6 sugatan sa bumaligtad na truck

0 5

Advertisers

Sugatan ang anim na katao nang bumaligtad ang isang truck na may kargang sako-sakong maisa sa Barangay Macayucayu, Isabela nitong Linggo ng umaga.

Sinabi ng mga pulis na nawalan ng preno ang truck sa pababang daan, dahilan upang ibangga ng driver na si Jojo Casuela, ang sasakyan sa tabing-kalsada upang hindi ito mahulog sa bangin.



Bumaligtad ang truck na nagresulta sa pagkasugat ng isang babae at limang estudyante na kabilang sa 10 pasahero nito.

Dinala na sila sa ospital at idineklarang ligtas.

Sinisilip ng mga awtoridad ang overloading at brake malfunction bilang mitsa ng insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">