Advertisers

Advertisers

Bron FTW, Bronny for E!

0 4

Advertisers

Malinaw na ang dahilan kung bakit pinili ng Lakers si Bronny James sa kanilang ika-55th pick sa 2024 Rookie Draft.

Marami man ang bumatikos na walang K si James Jr sa NBA ay may mahalagang papel ito sa purple at gold.

Kahit akusahan pa ang pamunuan ng prangkisa na nais lang matuwa ang pinakapopular nilang player at sa gayon ay sa kanila na ito magretiro ay may iba pang silbi ang panganay ni LBJ.



Hindi nga naman outstanding si Bronny sa kaniyang haiskul at kolehiyo pero hindi pinalampas ni GM Rob Pelinka ang pagkakataon.

Sa unang laro pa lang ng koponan sa Hollywood ay sabay pa ipinasok ang mag-ama.

Sa second game ni Bronny ay nakaiskor siya ng puntos sa blow out loss sa hometown nilang Cleveland.

Noong Sabado ay ipinasok pa si dayunyor sa laban kontra Toronto kahit pitong segundo na lang natitira at bola pa ng Raptors.

Iba kasi ang value niya sa team. Pang- aliw sa tao. Purely for entertainment purpose.



Yung ama for the win at ang anak para sa entertainment.

Batid natin lahat na ang NBA ay isang sports entertainment package.

Gets nyo na?

***

Bukas maghahalal na muli ang mga Amerikano ng bago nilang pangulo.

Kamala Harris o Donald Trump?

Si LeBron James nagpahayag na kay Harris siya dahil mahal niya ang kanyang pamilya.

Gayon din sina HC Steve Kerr ng Golden State Warriors at Coach Doc Rivers ng Milwaukee Bucks.

Mabuti sa kanila yung pinakabantog na atleta ay nagsasabi sa publiko ng kanyang iboboto. Malabo mangyarii sa atin yan. Takot ang mga superstar sa kanilang big boss na hindi sila papayagan pumanig sa isa.

Maigi na na huling ekeksiyon ay lumantad ang mentor na sina Coach Yeng Guiao at Coach Chot Reyes na parehong kakampink.

May mga retirado nangampanya sa pamamagitan ng paglalaro sa mga exhibition game na itinaguyod ng isang kandidato kasi may bayad sila.

***
Ngayong tabla na ang serye ng TNT at GSM sa 2-2 ay best of three na lang ito

Mukhang tatama prediksyon ng mga barkadahan sa pondahan. 4- 2 sa Gin Kings kung hanggang Game 6 lang o 4-3 yan mga Ka-Tropa Giga kung aabot sa dulo.