Advertisers

Advertisers

Grabeng trapik sa Pasig, anong plano mo Mayor Vico Sotto?

0 113

Advertisers

Mukhang wala ng solusyon ang nararanasang sobrang trapik saan mang sulok sa Siyudad ng Pasig partikular sa mga main road at ang tanong ng mga Pasigueno hanggang kelan sila magtitiis?

Sabi ng mga Ka Usapang HAUZ sa halip kasing unahin ang pagsilip kung paano madiskuwalipika ang kalaban ni Mayor Vico Sotto ay magsagawa ito ng pag-aaral para naman kahit huwag ng maibsan kundi mabawasan lang ang trapiko sa mga lansangan.

Unahin na nating ipasilip sa Magiting nating Mayor Vico Sotto ang kahabaan ng E-Rodriguez mula Ligaya hanggang Rosario, maniniwala ba kayo umaabot sa isa hanggang isat kalahateng oras ang biyahe bago makarating, samantalang mabubutas na ang bumbunan sa kakakamot sa inip bago makatawid ng Manggahan Floodway ay aabutin na ng “Siyam Siyam” kaya ng suma tutal mula ligaya hanggang City Hall 2 oras.



Tutal napagusapan na rin lang ang trapiko, nais iparating ng mga Ka Usapang HAUZ sa Simpatikong Mayor Vico Sotto ang kahabaan ng Ortigas Avenue mula boundery ng Cainta De-Castro hanggang stop light Meralco isama na rin ang Rutonda patungong Crossing, ano po ba ang plano ng administrasyon mo?

Hindi naman siguro nalilimutan ng mga Pasigueno ng ilampaso mo sa eleksiyon ang iyong mga nakatunggali sa pagka-mayor sina Bobby Eusebio at Iyo Bernardo na bukod sa mas maunlad na siyudad pabahay at iba pa kabilang na rin ang solusyon sa trapiko na iyong ipinangako eh mukhang napako? nagtatanong lang po.

Kaya ang sabi ng mga Ka Usapang HAUZ mas mabuti siguro na subukan ni Mayor Sotto na lumabas ng kanyang opisina at baybayin ang mga kalsada na matagal ng sakit sa ulo ng mga motorista at commuters ng sa gayon ay mapagaralan ang solusyon.

Nais na ring ipaabot ng mga Pasigueno kay Mayor Sotto na pagsabihan ang mga TPMO personnel maging ang tauhan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa halip na makabawas ng pagsisikip ng trapiko ay sila pa ang nagiging sanhi, dapat pa bang ipaalam sayo ang sistemang ayusan kapag may hinuhuli?

Muntik ng makalimutan ng Usapang HAUZ ang nag Viral sa Social Media na isang kapartidong konsehal ng Siyudad ang nakapagpatayo ng establishment “Una ang gusali bago ang Permit” diba mayor ayaw na ayaw mo ang palakasan system eh bakit si Councilor?



***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036