Advertisers
KUMAMADA si Luka Doncic ng 32 points, nine rebounds at seven assist sa 32 minutong aksyon upang tulungan ang Dallas Mavericks na maglayag patungo sa 108-85 wagi laban sa bisitang Orlando Magic Linggo.
Daniel Gafford umiskor ng season-high 18 points,Kyrie Irving nagdagdag ng 17 at Dereck Lively II may 11 points at 11 rebounds para sa Dallas.
Bitbit ng Dallas ang kanilang momentum sa second half para palakihin ang kanilang lead sa 82-52 sa free throw ni Doncic sa 6:05 nalalabi sa third quarter.
Ang Mavericks ay umabante ng 33 points sa fourth quarter at nagtapos sa shooting 49.4 percent mula sa bakuran at kumana ng 10-for-32 (31.2 percent) mula sa arko.
Ang Orlando ay natalo ng tatlong dikit na laro at nalaglag sa 0-2 na wala ang All-star forward Paolo Banchero, na absent indefinitely dahil sa torn right oblique.
Franz Wagner pinamunuan ang Magic sa iniskor na 13 points,Jett Howard umiskor ng 12 at Jalen Suggs at Mortiz Wagner nag-ambag ng tig-10 puntos.
Doncic umiskor ng 14 points sa first quarter upang tulungan ang Mavericks 30-22 lead. Sumablay ang pito sa kanilang walo na 3-point attempts sa opening period.
Doncic nagtapos ng 25 points sa first half on 9-of-15 shooting, kabilang nag 5-of-10 mark lampas sa arko.