Advertisers

Advertisers

PH nasungkit ang 5th title sa East Asia Baseball Cup

0 12

Advertisers

NASUNGKIT ng Pilipinas ang kanilang ikalimang sunod-sunod na titulo sa East Asia Baseball Cup matapos ihampas ng men’s baseball team ang HongKong sa gold medal game 9-2, Linggo sa Pampanga.

Tinalo ng Bansa sa gold medal match ang Indonesia (13-1) at Singapore (15-0) sa Group B ng first round, at Thailand (9-5) at Hong Kong (4-2) sa Super Round.

Thailand binulsa ang bronze medal matapos idispatsa ang Singapore, 11-10, sa third place match.



Ang pilipinas ay kasalukuyang ranked 27th sa world, napanalunan ang dating apat na editions ng East Asia Cup sa 2012, 2015, 2017, at 2023.