Advertisers

Advertisers

Anak, pinakidnap ng ina para ‘ma-rehab’

0 15

Advertisers

SAPOL sa CCTV ang sapilitang pagkidnap sa isang lalaki ng apat na kalalakihan sa Mandaluyong City.



Sa ulat, kasama pa ng biktima ang kanyang live-in partner nang kunin ito ng mga lalaki na nagpakilalang pulis at ipinasok sa van.

Nabatid na sinabihan pa ng mga ito ang live-in partner ng biktima na huwag mag-iskandalo dahil alam ito ng kanyang magulang.

Kinumpirma naman ng ina ng lalaki na siya ang nag-utos na damputin ang kanyang anak para dalhin sa pribadong rehabilitation center.

Hinala kasi ng nanay, gumagamit ng ilegal na droga ang kanyang anak.

Mariin namang itinanggi ng live-in partner na gumagamit ng ilegal na droga ang kinakasama.

Ayon pa sa babae, maaaring away sa pera at mana ang dahilan kaya ipinadukot ang biktima.

Nanawagan pa ang live-in partner na sana’y ipakausap ito sa kanila at ipaalam ang kanyang kinaroroonan.