Advertisers
Ni Danny Simon
HANDA na ang lahat ng sistema para sa pagdaraos ng tanyag na okasyon sa bansang ‘Sikaran Festival sa Tanay Hane 2024’ sa bayan ng Tanay , lalawigan ng Rizal.
Ang naturang Sikaran festivity ay tiyak na magtatagumpay sa kapit- bisig ng Tanay LGU sa liderato nî Mayor Lito Tanjuatco at Sikaran top brass sa pamumuno ni GSF Sikaran Raven Tanay Master founding president Crisanto Cuevas na dumating na sa bansa mula San Francisco, California, USA.
“ Nagagalak si Mayor Lito Tanjuatco dahil todo dedikasyon ako sa Sikaran festival at umuwi pa ako mula America samantalang kauuwi ko lang noòng nakaraang July dito sa Pilipinas at umasa daw ako na naka- support ang LGU Tourism Mayor’s office at si Vice Mayor Rex Manuel Tanjuatco, Congresman Dino Tanjuatco at ang aking bayaw na si Roger RC Catolos sa Sikaran festival,”wika ni Master Cuevas na secretary general ng Globàl Sikaran Federation sa Estados Unidos sa timon ni Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag. “Excited ang mga kababayan namin mga taga -Tanay dahil panauhin sa makulay at maaksiyong kaganapang idaraòs sa Tanay Basketball Gymnasium sa Nobyembre 10 sina former WBA- WBC Featherweight Champion Luisito Eapinosa at si former DILG secretary Benhur Abalos.