Advertisers

Advertisers

BOGUS RECEIPTS SA PAGLULUSTAY NI VP SARA?

0 25

Advertisers

Sa patuloy na CONGRESS HEARINGS ay nalalantad ang mga ebidensiyang paglulustay ng pondo sa ilalim ng pangangasiwa ni VICE PRESIDENT SARA DUTERTE partikular noong umakto siyang EDUCATION SECRETARY na bahagi ng pagpapalusot sa mga requirement na hinihingi ng COMMISSION ON AUDIT (COA) ay mga peke o BOGUS RECEIPTS ang isinumite na ikinadiskubre ng mga metikolusong pagsisiyasat ng mga bumubuo ng HOUSE ON GOOD GOVERNMENT COMMITTEE.

Natuklasan na 158 ACKNOWLEDGMENT RECEIPTS ang isinumite ng OFFICE OF THE VICE PRESIDENT (OVP) para sa pag-liquidate ng COBFUDENTIAL FUNDS.., pero naglalaman ito ng mga maling petsa na sinasabing dulot lamang daw ng mga “typographical errors” at walang mga pirma.., na ang malinaw sa iregularidad na ito ay hindi lamang nagpapataas ng mga seryosong tanong tungkol sa kakayahan ng OVP sa ilalim ng pamumuno ni SARA DUTERTE, kundi pati na rin sa kredibilidad ng mga acknowledgment receipts na kanilang ginamit para sa legalidad umano sa paggamit ng salapi o pondo.

Ang liquidation sa nailabas na pondo ng pamahalaan at ang pag-audit ng COA ay isang mahalagang mekanismo para sa TRANSPARENCY upang matiyak na ang pondo ng pamahalaan ay nagagamit nang tama at nasusubaybayan nang wasto.., ngunit kung ang mga resibo ay puno ng maling mga petsa e ito’y isang seryosong babala na hindi dapat ipagsawalang-bahala.



Ang alibi na pagkakamali ay hindi ito maituturing na maliit na bagay.., na ang maling paglalagay ng petsa sa napakaraming dokumento ay nagpapahiwatig na maaaring nilikha ang mga ito nang retroactive upang pagtakpan ang hindi awtorisado o kahina-hinalang gastusin.

Umabot sa 158 resibo ang may mga maling petsa na mahirap isiping simpleng pagkakamali lamang ito.., sa halip, ang pattern na ito ay tila nagpapakita ng sadyang pagtatangka na itago ang tunay na FINANCIAL ACTIVITY ng OVP.., na ang mga resibong ito ay sinadya kayang gawin upang pagtakpan ang iregularidad sa paggamit ng pondo ng bayan?

Hangga’t walang malinaw na kasagutan ay malalambungan ng mga pagdududa at ang maaapektuhan dito ay ang INTEGRIDAD ng OVP.., dahil ang dapat na pangangasiwa nitong si VP SARA ay may kaakibat na responsibilidad sa pagtiyak na ang bawat transaksiyon ay malinaw at tapat na naitatala; subalit ang 158 resibo na ngayon ay kinukuwestyon at hindi maiaalis na pag-isipan kung ang pamamaraang ito ay matagal na bang nakagawian na BOGUS RECEIPTS ang isinusumite para mapagtakpan ang walang habas na pagwawalwal o paglulustay ng pondo.., o mayroon pa kayang hokus-pokus na hindi pa nadidiskubre sa mga pamemeke ng tinaguriang BRATINELLA NG DAVAO?

Mahirap paniwalaan na ang isang opisina ng VICE PRESIDENT ay hahayaan ang napakaraming resibo na may maling petsa at hindi natiyak ang pirma ng mga tumanggap ng pondo.., na ang lohika sa mga dokumentong ito ay maaaring ginawang atrasado upang umayon sa isang umiiral na sitwasyon at marahil ay upang magmukhang mas lehitimo ang financial statements ng OVP.

Ito’y hindi lamang isang pagkabigo sa administrasyon kundi ito ay tila isang sinadyang hakbang upang baluktutin ang katotohanan.., na bilang patunay niyan ay ang patuloy na pag-iwas ng mga kawani ng OVP na harapin ang mga pagsisiyasat hinggil sa paggamit ng OVP FUNDS.



Mga ka-ARYA.., ang mga maling petsa sa mga resibo ay nagpapakita ng malalang kapabayaan o mas malamang ay sinadyang manipulahin ng mga opisyal ang mga dokumento upang makaiwas sa pananagutan. Gayunman, sa alinmang kaso.., ang responsibilidad ay nakapatong sa pamumuno at yan ay si VP SARA na kailangang sumagot sa publiko ukol sa mga iregularidad na mga paglulustay upang kung sinsero ang kaniyang panunungkulan at walang halong panlilinlang ay dapat lamang niyang iwasto ang mga akusasyon laban sa kaniya!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.