Advertisers

Advertisers

HONEY LACUNA VS. ISKO MORENO

0 100

Advertisers

LINGID sa kaalaman ng marami pero hindi sa kaalaman ng mga lider pulitikal ng Maynila, nagkasundo si Honey Lacuna, kasalukuyang alkalde, at Isko Moreno, dating alkalde, na hindi na muling tatakbo ang huli sa pagka-alkalde. Binitiwan ni Isko at pinanghawakan ni Honey ang pangako bago tumakbo sa pangulo si Isko noong 2022.

Ito ang batayan kung bakit tumakbo bilang alkalde si Honey Lacuna noong 2022. Tahimik na nagagampanan niya ang tungkulin bilang punong siyudad. Ngunit sadyang walang isang salita si Isko dahil lingid sa kaalaman ni Honey, ginagapang niya ang ang mga lider pulitikal sa Maynila bilang paghahanda sa halalan sa 2025.

Kamakailan, ginulat ni Isko ang mga lider ng Maynila tulad ng mga kongresista, konsehal, at kahit ang mga punong barangay ng ipahayag niya na haharapin niya si Honey Lacuna sa 2025. Kahit si Honey ay nagulat dahil magkaibigan sila at hindi basta gagawin ni Isko na baligtarin ang kanyang salita ng patalikod.



Sa maikling pangungusap, ginulat ni Isko ang mga pulitiko sa Maynila dahil hindi siya tumupad sa kasunduan at sinira niya ang pangako. Hindi lang iyan, ginapang niya ang mga pulitiko kahit marami ang hindi sumama sa kanya. Sa ngayon, 14 sa 38 konsehal ang nasa panig ni Isko. Isa sa anim na kongresista ng Maynila ang sumama sa kanya.

Kahit may pagkilos si Isko, nanatiling mayorya ng mga konsehal ang kampi kay Honey at lima ng anim na kongresista ng Maynila ang panig sa kanya. May mga balita na nagbibigay si Isko ng hindi bababa P1 milyon kada buwan sa bawat konsehal upang mapanatili ang suporta sa kanya.

Marami pang mangyayari sa mga susunod na araw. Tingnan natin kung babalong ang suporta kay Isko. Pero naniniwala kami na may matuwid si Honey Lacuna na labanan si Isko. Hindi lang siya maingay at mahilig pumostura sa publiko tulad ni Isko. Tahimik lang siya magtrabaho pero hindi hindi ibig sabihin ay mahinang uri siyang lingkod bayan.

Hindi namin malilimutan ang ginawa ni Isko nang mahalal siyang alkalde noong 2019. Tinalo ni Isko si Erap Estrada bilang alkalde. Binaldehan ang Maynila dahil iniwang mapanghi at nanlimahid ni Erap. Tama ang ginawa niya pero isang kalokohan na presidential timber na siya. Mabuti at natalo siya noong 2022 at pang-apat lang siya sa mga naglaban.

***



WALA kaming nakikitang kinabukasan para kay Sara Duterte na hanggang ngayon ay nanatiling bastos at arogante. Iisa ang pupuntahan ng mga iba’t ibang imbestigasyon ng mga komite sa Camara de Representante at ito ang impeachment.

Tumakbo na ang kanyang chief of staff na si Zuleika Lopez. Nagpunta umano sa Los Angeles sa Estados Unidos. Nagbitiw ang dating tagapagsalita na si Michael Poa. Halos walang siyang suporta sa Kongreso. Maliban kay Imee Marcos, Bato dela Rosa at Robin Padilla, walang nagsasalita ng pabor sa kanya. Tanging si Rodente Marcoleta ang maingay na sumuporta sa kanya sa Camara.

Sa public hearing ng House blue ribbon committee na pinamumunuan ni Kin. Joel Chua ng Maynila, inamin ni Deped chief accountant Runnel Catalan na tumanggap siya ng sobre mua kay Sara. May laman na P25,00 kada envelope at umabot ito sa siyam na beses. Ipinadala ito kay Catalan sa pamamagitan ni Deped Asec Sunshine Fajarda.

“Minimal,” o kakaunti, ito ang taguri ni Catalan sa bawat envelope. Malamang na sasabit si Catalan sa kanyang pag-amin. Umabot sa 38 taon ang serbisyo niya sa Deped at maaaring maapektuhan ito sa sandaling magretiro siya sa serbisyo.

Humanga kami kay Jinky Luistro ng Batangas sa masusing pagtatanong sa mga resource person sa komite ni Chua. Napatunayan niya na nagkasala si Sara ng technical malversation dahil sa pagkawala ng mga confidential funds na nakalaan para sa OVP at Deped. Bagaman hindi malinaw kung maaaring isakdal si Sara sa prosesong impeachment, sinabi ni Luistro na nagkasala si Sara ng “betrayal of public trust.”

Malawak ang konsepto ng betrayal of public trust, ngunit marapat maintindihan na isa itong batayan upang umpisahan ang impeachment kay Sara. Nagparinig siya upang umpisahan na ang impeachment ni Sara.

***

HINDI kailangan magbigay ng dahilan ang International Criminal Court (ICC) kung hihingin nito ang transcript ng public hearing ng Senate blue ribbon subcommittee tungkol sa pumalpak ng digmaan kontra droga ni Gongdi. Alam ng buong mundo na kasalukuyang may formal investigation ang ICC tungkol sa war on drugs ng tila baliw na lider mula Davao City.

Imposible ng hindi ito alam ni Chiz Escudero. Pagtatatawanan siya kapag sinabi niyang hindi niya alam. Alam ng ICC ang kanilang ginagawa dahil nahaharap si Gongdi sa sakdal na crimes aganst humanity. Kunsabagay, hindi hiningi ng ICC ang transcript dahil hindi kinakitaan ng tiwala ang ICC sa burukrasya ng Filipinas.

Ibinigay ni Sonny Trillanes ang kopya ng transcript. Si Trillanes ang nag-umpisa na isakdal si Gongdi at mga kasapakat sa ICC. Kasama siya sa mga nasasakdal kay Gongdi at mukhang ginanap niya ag tungkulin bilang isa sa mga complainant.

***

MGA PILING SALITA: “Yari si Misfit Sara. Binusisi ng House blue ribbon committee na winaldas o ibinulsa niya ang confidential fund ng OVP. Walang kawala.” – PL, neizen, kritiko

“Many Republicans could have felt the bandwagon for Kamala Harris. Repugs are going to vote en masse for Kamala. Trump camp panics.” – Jessie Salonga