Advertisers

Advertisers

Jasmine feel ka-level na ni Lloydie

0 15

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

MASAYANG-masaya si Jasmine Curtis-Smith na muling makasali sa QCinema International Film Festival.

Ang entry ni Jasmine ay ang pelikulang Moneyslapper nila ni John Lloyd Cruz.



Pangalawang pagsali na ito ni Jasmine sa naturang filmfest.

“Yung nauna namin yung Midnight In A Perfect World kaso lang nung panahon na iyon 2020 so online tayo for QCinema,” say ni Jasmine.

Pandemya noong 2020 kaya naman happy si Jasmine na ngayong 2024 ay face-to-face na ang mga ganap.

“First time physical,” sambit ni Jasmine.

“Very happy! Tuwing nagiging parte ng film festival parang feeling ko isa siyang malaking party for filmmakers.



“Kasi bukod sa nagtatrabaho naglalaro din, you’re able to explore more and see different risktakers e, sa pelikula.”

At isang John Lloyd Cruz pa ang kasama niya.

“Nag-TV na kami e, first film.”

Ano ang feeling maging leading man ang isang John Lloyd Cruz?

“Whoa! Very, very challenging for me, obviously. Na tuwing makaka-work ko yung mga tulad nilang calibre ang lebel…

“John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, of course there’s a different range of abilities and skills na ako, I guess dinadaanan ko pa lang, bini-build up ko pa lang.

“Na sila talaga mastered na nila iyan, so I’m just grateful kasi kapag nakapares ko sila ang dami ring natututunan for myself to bring on sa mga susunod ko.

“Na ako na next yung magiging level nila. Yesss,” at tumawa si Jasmine.

Humingi ba si Jasmine sa ate niyang si Anne Curtis ng advice na unang nakatrabaho ni John Lloyd dati sa ilang proyekto?

“Actually wala naman. Pagdating kasi sa mga trabaho or mga castmates namin medyo bihira namin talaga pag-usapan yung work.

“As in bihira,e. Tuwing magkasama kami naka-focus kami sa… ngayon, obviously, meron akong pamangkin sa kanya, talagang family time.”

Ang QCinema 12 na gaganapin mula Nobyembre 8 hanggang 17 ay mapapanood sa mga piling sinehan tulad ng Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinema sa Trinoma, Red Carpet sa Shangri-la Plaza, at Powerplant Mall.

Ang edisyon ng QCinema 2024 ay binubuo ng dalawang main competition sections: ang Asian Next Wave at QCShorts International . Sa taong ito, mas pinaigting ang QCShorts na tampok ang Southeast Asian films kasama ang anim na Filipino short film grantees sa kumpetisyon.

Kasama sa line up ng Asian Next ang “Don’t Cry Butterfly” ni Duong Dieu Linh (Vietnam, Indonesia, Philippines, Singapore), Grand Prize winner sa Venice Critics’ Week; Pierce ni Nelicia Low (Taiwan, Poland, Singapore), Best Director sa katatapos na Karlovy Vary Crystal Globe Competition; at Mistress Dispeller, isang feature documentary ni Elizabeth Lo (China, USA), winner ng NETPAC award for Best Asian Film sa Venice.

Mapapanood din ang Happyend ni Neo Sora (Singapore, UK, USA), Tale of the Land (Indonesia, Philippines, Qatar, Taiwan), winner ng Fipresci prize sa Busan; Viet and Nam ni Truong Minh Quy (Philippines, Vietnam, Singapore, France, Netherlands, Germany, Italy, USA), na itinampok sa Cannes’ Un Certain Regard; at ang Moneyslapper ni Bor Ocampo (Philippines) na magkakaroon ng world premiere.