Advertisers

Advertisers

JC inihayag, laging buntis ang misis pag pipirma ng kontrata sa Dos; Ogie walang malay na mawawala na sa Siyete ang ‘Showtime’

0 16

Advertisers

Ni Rommel Placente

MANANATILING Kapamilya ang aktor na si JC de Vera matapos itong pumirma ng panibagong kontrata.

Way back 2013 nang lumipat ang aktor mula Kapuso sa ABS CBN at simula no’n ay wala raw siyang pagsisisi sa naging desisyon dahil nahasa nang husto ang kanyang craft bilang aktor.



Kaya naman always looking forward daw si JC sa contract signing niya as Kapamilya, dahil panibagong opurtunidad daw ito na mag-grow pa siya as an actor.

Pagtanaw niya sa mahigit 21-years niya sa showbiz, ang masasabi raw niya na ang biggest challenge sa career ay ang longevity.

Kung paano niya napatagal ang sarili sa industriya, at kung paano napanatiling exciting pa rin ang kanyang career.

Nagpapasalamat naman daw siya sa kanyang mother network na hindi pa rin siya pinakawalan. Still growing as an actor, motivated at excited pa rin daw si JC sa mga gagawing projects in the future.

Sa Kapamilya ay nabansagan daw siyang versatile actor which is nakaka- pressure raw sa kanya, pero up to the challenge raw siya.



Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang yumaong manager na si Leo Dominguez.

Sa huli, masayang binahagi ni JC na sa tuwing magsa-sign daw siya ng panibagong kontrata sa ABS-CBN ay buntis ang asawang si Rikkah tulad na lamang daw ngayon, na preggy ito sa pangatlo nilang anak.

***

WALA palang kamalay-malay si Ogie Alcasid sa intrigang hanggang December na lang mapapanood sa GMA 7 ang noontime show nilang It’s Showtime.

Umiikot nga ang isyu na until December na lang ang kanilang programa sa GMA dahil diumano may ilalagay na ulit ang TAPE Inc. na programa at ang It’s Showtime umano ay sa ALLTV na lang at sa iba pang channel.

Ang sabi, wala pa raw kasing nagaganap na renewal between GMA and ABS-CBN para sa nasabing programa.

“Di ko alam, eh. I think, wala namang may alam. But it’s hanging in the air. So, siyempre, lahat kami… sanay na kami,” sabi ni Ogie

Dagdag niya “Bahala na.”

Pero puring-puri ni Ogie ang mga bossing ng GMA na aniya ay very welcoming sa kanila.

“In fairness talaga sa GMA, talagang pinaglaban nila kami. Especially Ma’m Annette (Gozon-Valdes, GMA top executive). Very welcoming, alam naman namin ‘yan nu’ng Ball.
“I’m just blessed to be part of that history and hopefully, we can I’m just blessed to be part of that history and hopefully, we can do it longer. Otherwise, life goes on,” aniya pa.