Advertisers
Ni Beth Gelena
PINAGTRIPAN ni Darren Espanto ang kanyang bestie na si Kim Chiu.
Ibinahagi ni Kim ang video clip ng isang eksena niya sa The Healing kung saan biniro siya ng singer/actor sa kanyang old movie na sinasapian.
Ani Darren, “the true healing was Kim’s look in the movie The Healing.
Ibang iba kasi ang hitsura ng Chinita Princess kung saan biktima siya sa nasabing movie na pinagbibidahan ni Ate Vi (Vilma Santos-Recto).
Ayon naman kay Kim, ang totoong “healing” ay.si Camille Prats sa pelikula nitong Hiling.
Magkasundung-magkasundo sina Kim at Darren pagdating sa bardagulan.
Once na nagbiro si Kim at binirahan ng sagot ng singer na may patama sa aktres, bibirahan ito ni Kim ng tawa saka sasabihing “bestie.”
Madali namang makiramdam si Darren lalo na kapag tungkol sa lovelife ni Kim ang kanilang topic.
Kapag ganun na ang topic na kanilang pinag-uusapan sa It’s Showtime na idinadaan sa biro bigla nang ililihis ni Darren ang kanilang biruan.
Hindi niya tuluyang ‘nilalaglag’ ang kanyang bestie.
Kim and Darren are simply really close and it shows in the way that they would joke at each other.
Samantala, nag-collab ang dalawa sa live show ng variety show ASAP nitong Linggo.
Viral ang kanilang performance na song and dance na APT.
“Ang bilis din naman ng pagkaka collab niya oh!!!!! iba din!!!!!! Bruno mars ka jan bestie?!!! ani Kim.
***
ANGGE SIMPLENG BERTDEY CELEBRATION PERO MAHIRAP MA-ACHIEVE
IPINASILIP ni Angelica Panganiban ang napaka-simpleng birthday celebration niya.
November 4 ang actual birthday ng aktres, pero November 3 ay nag-advance celebration na silang mag-anak.
Sa kanyang uploaded video makikitang napakasimple ang birthday celebration ng aktres.
Touching ang birthday message na sinulat ni Angge para sa kanyang kaarawan.
“Exactly how I wanted to celebrate my birthday. Kayo lang, sapat na,” aniya.
Sa special day ni Angge kasama ang hubby niyang si Gregg Homan with their daughter Bean sa pag-island hopping sakay ng boat.
Naka-swimming attires na ang Homan family para reading ready na maligo pagdating sa beach na kanilang mapipili.
Komento ng isang netizen, “ang simple, pero mahirap ma-achieve.” (Oo nga naman.)
“Happy birthday adeng…ganda panoorin kayong pamilya makikita talaga kabaitan ng hubby mo at sarap panoorin ang pretty cute bean.. Love you guys”
Ang daming celebrities ang hindi nakalimot na bumati kay Angge kahit matagal tagal na rin siyang absent sa showbiz.
Ang nakatutuwa sa aktres, bawat celebrity na bumabati sa kanya ay nirereplayan niya isa-isa para pasalamatan.
***
KINUMPIRMA na ni Kobe Paras na nagdi-date na sila ni Kyline Alcantara.
Sa interview ng Cosmo Philippines’ Cosmo Confessions series na naka- upload sa magazine’s YouTube channel, ibinahagi ni Paras ang feelings niya sa Kapuso aktres.
Natanong siya kung sino ang biggest crush niya sa showbiz.
Walang hesitation na sumagot ang basketbolista , “Kyline Alcantara, because we’re dating.”
Kinilig tuloy ang fans ng dalawa na naghihintay lang kung sino ang aamin sa kanila.
Though, in-expect naman na nilang may malalim nang relasyon ang mga ito.