Advertisers

Advertisers

Lutas sa loob ng 4-oras ng QCPD

0 25

Advertisers

Nobyembre 4, 2024, dakong 7:40 ng gabi nang lumapit sa Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni PCol. Melecio M Buslig, Jr., si Dion Mhark Cuevas upang hingin ang tulong ng pulisya para sa tinangay na motorsiklo nito na nakahimpil sa harap ng Joy’s Billiard Hall sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Bilang bahagi ng direktiba ni Buslig kaugnay sa pinaigting na kampanya laban sa lahat ng klase ng kriminalidad sa lungsod, agad na lumakad ang tropa ni PLt. Col. Hector Ortencio, hepe ng QCPD District Anti-Carnapping Unit (DACU), para magsagawa ng imbesdtigasyon sa pinangyarihan ng insidente.

Nauna rito, sa pagsumbong ni Cuevas sa DACU, dakong 3:00 ng hapon, Nobyembre 4, 2024, kanyang ipinarada at iniwan ang motorsiklo nitong Yamaha Aerox ( 863 UWS) sa parking area ng nasabing bilyaran.



Makalipas ang isang oras nang balikan ni Cuevas ang kanyang motorsiklo, natuklasan niyang nawawala na ito. Bago magtungo sa pulisya, nagtanong-tanong muna sa lugar ang biktima kung mayroon nakapansin o nakasaksi sa pagkawala ng kanyang motorsiklo.

Nang walang makuhang impormasyon si Cuevas, siya ay nagpasiya nang humingi ng tulong sa DACU. Dakong 7:40 PM sa araw din iyon nang ipaalam sa pulisya ni Cuevas ang insidente.

Sa direktiba ni Buslig, agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang tropang DACU sa pinangyarihan. Nakitang may mga CCTV na naka-installed sa lugar kaya sinuri ng DACU ang CCTV footage ng Brgy. Quirino 3A.

Nakita na dakong 3:52 PM nang tinangay at itinutulak ng carnaper ang motorsiklo papuntang Cubao area. Sa tulong ng karagdagang CCTV footage ng Brgy. Silangan natuntong na kung saan ang kinaroroonan ng hindi pa nakikilalang suspek pero namukhaan na siya sa tulong ng mga CCTV.

Makaraan, agad na nagsagawa ng operasyon ang tropa ng DACU laban sa suspek na nagresulta sa pagkaaresto ni Eric Fajarit, 25-anyos, isang security guard at residente ng Brgy. E. Rodriguez, Quezon City. Eksaktong 11:30 ng gabi sa araw din iyon nang madakip si Fajarit at marekober sa kanya ang tinangay nitong motorsiklo.



Dakong 7:40 PM, Nobyembre 4, 2024 nang hingan ni Cuevas ang tulong ng DACU…at makalipas naman ang apat (4) oras dahil sa mabilisan pagresponde ng kapulisan nalutas ang kaso. Nadakip ang karnaper at narekober ang motorsiklo.

Hayun, lutas ang kaso sa loob ng 4-oras.

Ayon kay Buslig, kakasuhan ang suspek ng paglabag sa R.A. 10883 o ang Bagong Anti-Carnapping Law ng 2016 sa Quezon City Prosecutor.

“Ang mabilis na pag-aksyon ng ating mga operatiba sa paghuli sa suspek at pagkakarekober ng ninakaw na Yamaha Aerox ay nagpapakita na ang QCPD ay laging handang tumugon at magbigay ng agarang tulong sa mga biktima ng krimen sa ating lungsod. Mag ingat po tayo palagi at tandaan ang QC Hepline 122 para sa mabilis na aksyon sa oras ng emergency,” saad ni Buslig, Jr.

Iyan ang QCPD, 24/7 na laging handa para sa mamamayan… bilang tugon sa direktiba ni QC Mayor Joy Belmonte at ng Philippine National Police kaugnay sa gera laban sa kriminalidad.