Advertisers
Anumang pagkakaila at pag-iwas na sagutin ang mga katanungan ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) ay mababanaag pa rin ang galaw ng isang SONNY BUENAVENTURA sa pagiging ALIPIN nito sa kaniyang itinuturing na SUPERMAN bilang siya ay isang TERROR mula pa sa pagiging DAVAO CITY MAYOR ni BADMOUTHING EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE.
Ang kamakailang pagharap ni SONNY BUENAVENTURA sa CQC ay hindi nakatulong para maalis ang balumbon ng pagdududa sa kanyang papel bilang isa sa mga pangunahing tauhan sa madugong kampanya ni EX-PRES. DUTERTE laban sa krimen.., na kilala ito sa kanyang di-matitinag na katapatan, ay hindi lamang basta alalay ng BADMOUTHING EX-PRES EX-PRESIDENT.., kundi siya ang lihim na tagasunod, ang taong umano’y nagpatupad ng mga nakaririmarim at masalimuot na utos ni DUTERTE noong ito pa ang DAVAO CITY MAYOR. Ang mga pagkakaila, pagtanggi, pag-iwas, at mga hindi kapani-paniwalang pahayag ni BUENAVENTURA ay patunay lamang sa kahit anumang pamamaraan ay maprotektahan ang kaniyang pinaglingkurang amo na manipulador ng DAVAO DEATH SQUAD (DDS).
Ang affidavit ni ARTURO LASCAÑAS at ang nakakagulantang na testimonya ni ROYINA GARMA ang nagpalaglag kay BUENAVENTURA sa sistematikong kampanya ng karahasan at pananakot.., na hindi lamang tinarget ang mga umano’y kriminal kundi pati na rin ang mga mamamahayag, kalaban sa pulitika, at sinumang itinuturing na banta sa mahigpit na pamumuno ni DUTERTE sa DAVAO. Ayon kay LASCAÑAS, si BUENAVENTURA ay hindi basta mensahero kundi ito ay isang importanteng personalidad bilang tagapagdala ng mensahe o utos mula kay DUTERTE para sa DDS.., ika nga ay hindi lamang ito maikakategoryang “KATAPATAN” dahil ito ay isang ganap na pagtalikod sa moral na pananagutan alang-alang sa pagprotekta sa paghahari ni DUTERTE.
Ang testimonya ni GARMA ay nagdadagdag ng isa pang aspeto sa papel ni BUENAVENTURA bilang tagapagtaguyod ni DUTERTE.., sinasabing siya ang namamahagi ng REWARD para sa mga EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK) sa isang porma na umano’y kinatigan ni DUTERTE at ng kanyang kanang kamay na si BONG GO. Ang mga paratang ni GARMA ay nagpapakita ng isang nakakakilabot na sistemang transaksyon kung saan ang buhay ng tao ay ibinababa sa halaga ng pera.., na si BUENAVENTURA ay kasama sa tugatog ng pondo para sa mga pagpatay. Ang kanyang pagtanggi na ilantad ang kanyang mga rekord sa bangko, kahit na may mababang balanse lamang ito ay lalong nagpapatindi nang pagdududa tungkol sa mga nakatagong yaman na nauugnay sa mga masalimuot na “REWARD SYSTEM”.
Sa kabuuan ng testimonya ay ipinakita ni BUENAVENTURA ang tila binaluktot na katotohanan sa nakamamatay na agenda ni DUTERTE.., pinapakita ang sarili bilang isang SACRIFICIAL SLAVE upang isalba ang imahe ng pinaglingkuran niyang BADMOUTHING EX-PRESIDENT. Ang kanyang pagpupumilit na siya’y dumalaw lamang sa isang “FIRING RANGE” sa kilalang QUARRY kung saan diumano’y inilibing ang mga biktima ng DDS ay katawatawa lamang at isang taktikang pag-iwas o pagkakaila sa DARKSIDE ng DUTERTE MANIPULATIONS. Ang kanyang papuri kay DUTERTE bilang isang “mabait na tao” ay nagpapakita ng kanyang tila pagpayag na magsinungaling, baluktutin ang mga katotohanan at pababain ang nagdaang taon ng madugong kampanya para maprotektahan ang isang taong inakusahan ng pag-organisa ng death squads.
Ang matigas na pagtanggi o pagkakaila ni BUENAVENTURA para sa lubos na pakikipagtulungan ay nagpapahiwatig sa pagprotekta nito ng mga lihim at ang kanyang mga pahayag sa harap ng CQC ay nagpapakita ng isang taong mas pipiliin pang linlangin ang publiko at itago ang imahe ng karahasan kaysa ilantad ang DUTERTE’S DEMONIC MANIPULATIONS na sumalot sa DAVAO CITY!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.