Advertisers

Advertisers

Dominic at Sue pasabog ang tukaan sa Siargao bar

0 39

Advertisers

Ni Archie Liao

MARAMI ang nawindang sa isang video na ibinahagi ng isang marisol na pinagpipiyestahan sa isang portal.

Sighted sina Dominic Roque at Sue Ramirez na naghahalikan although hindi naman nagtagal ang paglalapat ng kanilang mga labi.



Obvious din na enjoy si Dom sa company ni Sue na sighted sa isang bar sa Siargao.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon sa mga kate-katera at sawsawera ang naturang video ng intimate moment ng dalawa.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“kanina magkatabi lng eh, ngayon may kiss na hahaha”

“Omaygawddd ??”



“Lah si Sue nag spe-speed run na.. Kala ko sa games lang yorn. Hahahah”

“Grabe naman! Kanina magkatabi lang ngayon magkakiss na hahahahah”

“Maybe same phase sila sa life. Dom wants to get married and who knows Sue is ready also.”

“woooh i didn’t see this coming”

“So the rumor is true na hiwalay na sila ni Javi.”

“Bagay naman”

“May type pala si Dom. Haha lahat mapuputi/ mestisahin. Michelle Vito, Bea Alonzo, Sue Ramirez.”

“Gora lang. be happy you guys!”

“Both single. Sooo keri oooon. ????”

“Ohhhhhh!! Spicyyyyyyyyyy ??”

“Baka may show? Lolz”

“Ganyan ang pangmalakasang celebrity sighting!! Go Sue and Dom both are single! Deserve ni Dom maging happy matapos halos yurakan ang reputation nya after the failed engagement”

“Lagot. Paano magde-deny kung may resibo.”

***

MTRCB inanunsyo ang mga pelikulang binigyan ng angkop na klasipikasyon ngayong linggo

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang listahan ng mga pelikulang nakatanggap ng angkop na klasipikasyon para sa linggong ito.

Rated G (General Patronage) ang “Swan Lake,” mula sa desisyon nina Board Members Angel Jamias, JoAnn Bañaga, at Jerry Talavera. Ibig sabihin, ito ay pwede sa lahat ng manonood.

PG (Patnubay at Gabay) naman ang ibinigay ng Board sa mga “Abner,” isang lokal na pelikula na pinagbibidahan nina Enzo Pineda, Rosanna Roces, at Mygz Molino, at ang “Red One,” na may pam-Paskong tema na kasama ang mga kilalang Hollywood actors na sina Dwayne Johnson at Chris Evans.

Sa PG, kailangang may kasamang magulang o guardian ang mga batang edad 12 at pababa sa sinehan.

Ang animated na pelikulang “My Hero Academia: You’re Next,” na hango sa isang sikat na anime series, at ang romantic-drama na “We Live in Time,” ay rated R-13, na tanging mga 13 gulang at pataas lang ang pwedeng manood.

R-16 o pwede lamang sa edad 16 at pataas ang mga pelikulang horror na “Pusaka: The Heirloom,” mula Indonesia at “Decade of the Dead.”

Payo ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa mga nakakatanda na patuloy na gabayan at ipaliwanag sa mga batang kasama ang pelikula na kanilang papanoorin.

“Iminumungkahi rin natin sa mga magulang at sa pamilyang Pilipino na maging responsableng manonood at gawing gabay ang mga angkop na klasipikasyon na ibinigay ng MTRCB sa mga pelikula,” sabi ni Sotto-Antonio.