Advertisers

Advertisers

Malou walang pressure sa unang pagbibida sa movie

0 43

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

MAKALIPAS ang apat na dekada bilang artista, sa wakas ay lead role na sa isang pelikula ang beteranang aktres na si Malou de Guzman!

Ito ay sa pelikulang Silay kung saan isa siyang lola na sa tulong ng apo na ginampanan ni Francine Diaz, ay muling nag-aral ng high school.



Wala raw kaso kay Malou kung ngayon lamang siya nabigyan ng big break, never daw siyang nag-isip na sumuko o mag-give up sa pag-aartista kahit laging supporting role ang naibibigay sa kanya.

Aniya, “No, I don’t mind at all.

“Walang ganun na give up-give up, hindi wala.

“Kasi… iyon nga yung sinasabi, there are no, kumbaga maliit na papel, ano?

“Lahat yan… oo, walang small roles, only small talent fees,” at tumawa ang beteranang aktres.



“Hindi naman lahat ng bagay ay tungkol sa pera.

“At currently naman, I am in a happy place, ayos lang ako. Na nagagawa ko naman ang mga bagay na gusto kong gawin.

“Nakapagtuturo pa rin ako, iyon nga pala, meron kaming acting workshops.

“Sasamantalahin ko na rin, maliban dito sa Silay, sa Metro Manila Film Festival din, pasok po, kasama po ako doon sa pelikula po ni Vice Ganda sa And The Breadwinner Is. Iyon po.”

Nagkataong kapwa may entry sa MMFF sa Disyembre sina Malou at Francine Diaz na co-star ni Malou sa Silay; bida sina Francine at Seth Fedelin sa My Future You ng Regal Entertainment, Inc.

Sa mga paaralan ipalalabas ang Silay na mula sa MACE Ascending Entertainment Productions ni Rachelle Umandap at sa direksyon ni Greg Colasito.

Nasa cast din sina Ramon Christopher, Yul Servo, Rob Sy, Long Mejia, Krista Miller, Joni Mcnab, Jervin Mendoza, Rain Perez, Emilio Garcia, at introducing naman sina Merab Soriano, Russel Umandap, Pao Umandap, at Jopher Martin.