Advertisers
Ni Rommel Placente
SA pamamagitan ng kanilang online show na Showbiz Update, kinumpirma ni Ogie Diaz, na nanliligaw ngayon si Dominic Roque kay Sue Ramirez.
Sabi ni Ogie,”Base sa source ko, nanliligaw daw itong si Dominic kay Sue.”
Magugunitang spotted sina Dominic at Sue sa isang bar sa Siargao, na sweet na sweet sa isa’t isa at may video pang kumalat na naghahalikan sila.
Si Dominic na nga raw ang ipinalit ni Sue kay Javi Benitez, na mayor ng Victorias City, Negros Occidental.
Sa pagpapatuloy ng kwento ni Ogie, “Ang balita ko pa ay nagpapadala pa raw ng food itong mommy ni Dominic Roque kay Sue Ramirez.”
“Ay, nakikiligaw ‘yung mother?” tanong ng co- host ni Ogie na si Mama Loi.
“Oo, pero ito’y nanliligaw pa lamang daw. Siyempre, tinitimpla pa lang ni Sue kung siya na ba pagkatapos nila ni Javi Benitez.
“Nakakaloka nga, dahil kapag may nagkukwento raw kay Sue ng tungkol kay Javi Benitez ay parang naiirita raw si Sue! Parang ayaw ni Sue na naririnig ang pangalan ni Javi Benitez. Ibig sabihin hindi sila nagkatapusan ng maganda, maayos? Hindi sila nag-break up ng friends pa rin?”
May disclaimer din si Ogie na kung itatanggi ito nina Sue at Dom ay okay lang dahil baka pagdating ng araw ay lalabas din ang totoo.
Anyway, bukas ang aming kolum sa panig nina Sue at Dom.
***
SINGLE na pareho ang dating mag-asawa na sina Max Collins at Pancho Magno, matapos na maaprubahan na sa Amerika ang kanilang diborsyo na nangyari last month lamang.
Sabi ni Max, “We’re legally separated na so it’s official na,” sey ng aktres sa panayam.
Nang tanungin naman sila tungkol sa maayos na co-parenting para sa nag-iisa nilang anak na si Skye, ang sagot ni Max, “We wanted to show people that you can be like us. I mean, it’s possible.”
Kung matatandaan, noong Abril, nang ibinunyag ni Max sa kanyang interview with Boy Abunda, na pinag-uusapan nila ni Pancho ang pag-divorce bilang isa siyang American citizen.
Naikwento niya rin na kasagsagan ng pandemic nu’ng magdesisyon daw sila ng aktor, na tapusin na ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
Mutual decision daw nila ni Pancho na itago muna sa publiko ang kanilang breakup para iwas-intriga at tsismis, lalo pa’t meron silang anak na pinangangalagaan at pinoprotektahan.
Hindi naman daw sila basta bumitaw sa kanilang relasyon dahil kahit medyo mahirap na para sa kanila ni Pancho ang sitwasyon, ay nag-try pa rin sila na i-save ang kanilang relasyon.
“Tito Boy, we’ve been together for like eight years total. Nilaban namin hangga’t kaya ng mga puso namin in a sense na dumating ‘yung point na we stop becoming in denial about it,” sabi ni Max kay Kuya Boy.
Pagpapatuloy ni Max, “I’m ready to talk about it now because we’re in a good place. I actually got his blessing to do this interview with you.”
Pagdating naman sa co-parenting set up, ipinagmalaki ni Max na ito ay healthy at going great para sa kanila.
“We’re good, we’re great,” sambit pa niya kay Kuya Boy.
Dagdag niya, “It really works for us; we’re very healthy, and we’re both happy, and our son is very happy, so really it worked out for the best.”