Advertisers
Nasaei ang tatlong “person of interest” sa pagkinap sa American vlogger na si Elliot Eastman sa naganap na engkwentro sa Kabasalan Zamboanga Sibugay, Martes ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Morsid Ahod, magkapatid na sina Abdul Sahibd at Fahad Sahibad na pawang mga miyembro ng Lawless Element Group na nag-o-operate sa rehiyon.
Ayon kay BGen Bowenn Joey M. Masauding, Regional Director PRO9, 5:59 ng umaga nang makaengkwentro sa pagitan ng pinagsanib na elemento ng 106th Infantry Battalion, Ist Infantry Division, 2ndProvincial Mobile Force Company ZSBPPO, 903rd RMFB9 at kabalsan Police at 10 miyembro ng lawless element group sa Brgy. Canacan, Kabasalan, Zamboanga Sibugay.
Aniya, base sa intelligence report, si Ahod at magkaptid na Sahibad ang mga “person of interest” dahil sila ang mga accessories, tumulong sa pagtakas ng grupo ng mga kidnappers ni Eastman.
Narekober ang mga bangkay ng tatlo matapos ang ilang minutong bakbakan at pagkakasamsam ng 1 R4 rifle at M635 carbine rifles sa pinagyarihan ng engkwentro
Sinabi ni Masauding na kabilang si Ahod sa 7th Most wanted Person Regional level na mayroon warrant of arrest kasong murder na ipinalabas ng 9th Judicial Region, Branch 24, Ipil, Zamboanga Sibugay, noong March 14,2014 at May 3,2016.
Bukod dito, sangkot din si Ahod sa kidnapping for ransom, extortion at robbery, suspek din ito sa kabasalan massacres noong 2015 at 2016.
Dinukot si Eastman ng mga armadong kalalakihan sa isang bahay sa tabing dagat sa Sibuco Zambonaga Sibugya noong Oct. 17,2024.
Wala umano natatanggap na ransom mula sa kidnapper at “proof of life” ang pamilya ng biktima hanggang sa kasalukuyang.
Sa kabila nito umaasan naman ang mga otoridad na buhay pa ang biktima at patuloy ang isinagawang imbestigasyon at paghahanap dito. (Mark Obleada)