Advertisers
Nabuking ng kapulisan ang modus operandi ng isang nagngangalang Celso Manuel a.k.a Celso Torres kasapakat ang isang pulpol na abogago na tawagin na lang nating sa alias na Atty. Flores Kupalin sa paggamit ng social media account para siraan ang kapulisan at palabasing inutil at protektado ng mga ito ang mga iligal na pasugalan sa nasabing mga partikular na lugar.
Pinaksa natin ito para ipabatid sa gobyerno at sa publiko ang tunay na sitwasyon ” on the grounds” sa giyera ng PNP laban sa illegal na sugal ( PD 1602).
Hindi lamang mga opisyal ng PNP ang target ng grupo ng hindot na si Celso Manuel kundi matataas na opisyal ng isang siyudad,bayan o probinsiya.
Nabatid na nagtatag si Celso Manuel ng isang online site sa Facebook, ang Country Mail Online upang magpalabas o sumulat ng mga fake news articles para atakihin ang mga kakumpitensiya nito sa negosyo ng sugal sa probinsiya ng Pangasinan.
Napag- alaman din na si Celso Manuel ang nasa likod ng Country Mail Online account na ito para tirahin ang mga kapwa niya perya operators damay ang mga walang kaalam- alam na mga opisyal ng kapulisan at mga pulitiko.
Ang masakit,hindi anti- illegal gambling advocacy ang isinusulong ni Celso Manuel at ng Country Mail Online kundi perwisyuhin ang operasyon ng mga karibal sa negosyo ng pagpe-perya sa lalawigan gamit ang paninira sa kapulisan at ang umano’y inaction ng mga awtoridad na masawata ang illegal gambling operations.
Dalawang motibo mayroon ang grupo ni Celso Manuel, una extortion laban sa mga operators ng mga perya at taryahan ang mga ito ng lingguhan o buwanang payola.
Pangalawa ay maagaw ang mga puwestong tinitira para sila naman ang pumalit at mag- operate in the future.
Lagareng- Hapon ang istilo ng pindehong si Celso Manuel and at the same time, para mahawakan sa leeg at madiktahan ang mga kapulisan.
Dahil sadyang tuso at magulang ang diskarte ng supot at pindehong si Manuel,dumidikit naman ito at nag- eestabilisa ng koneksyon at “clout” sa mga halal na pulitiko ng Pangasinan.
In short , isang Mafia style kind of criminal activities na may layong makontrol, mamanipula at mapaikot ang batas at mga awtoridad ang ginagawa ng sindikato ng kupaling si Manuel.
Lumabas ang senister na diskarteng ito ni Celso Manuel a.k.a. Celso Torres nang madiskubre ng Intelligence Group ng PNP ang dalawang peryahan nito sa kalapit na lalawigan ng La Union.
In short,bukayo ang motibo at ang conflict of interest sa negosyo ng pagpe- perya.
Inaalam pa rin ng PNP kung may mga kasapakat din itong mga aktibong miyembro ng pambansang kapulisan at mga corrupt na pulitikong nasa kanilang payola payroll list.
Inaalam din kung bakit napakalakas ng loob ng grupo ni Celso Manuel na diktahan at pakialaman ang PNP sa kanilang mga hakbangin sa anti- illegal gambling operations.
Nakukuha umanong utusan ni Celso Manuel ang ilang corrupt at tolongges na kapulisan na hulihin,ipasara at muling buksan ang mga pasugalan na direktang bumababoy at gumagago sa institusyon ng kapulisan.
May personal po tayong experience sa mga ganyang bulok na istilo kung saan mismong mga barangay Kapitan,alkalde at kung minsan nga ay mga gobernador pa at congressmen ang lumalapit sa mga chief of police,provincial at regional commanders na muling buksan ang mga pasugalang hinuli lalo na nga kung ganitong malapit na naman ang halalan o eleksyon.
It is about time na manindigan ang PNP na walisin at ibasura ang mga ganitong bulok na sistema ng pamumulitika ng mga halal na opisyal na kumukumpromiso hindi lamang sa kapakanan ng kanilang mga constituents kundi direktang sumasadkang (obstruction of justice) sa tamang pagpapatupad ng batas ng ating mga kapulisan.
Puwede rin silang kasuhan at suspendihin ng DILG sa paglabag sa RA 3019 o ang tinatawag na Anti- Graft and Corrupt Practices Act.
‘Yan ay kung mananatiling tapat sa kanyang sinumpaang tungkulin at may matatag na political will at prinsipyo ang ating idol na si DILG Sec.Jonvic Remulla
Going back sa modus operandi ng pindehong si Celso Manuel a k.a. Celso Torres, rest assured na magiging anino mo ang pitak na ito magmula sa araw na ito para i-monitor at i- dokumento ang mga galawan mong vertical at ng inyong hindot na sindikato.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.co