Advertisers

Advertisers

BEA KLINARO ANG RELASYON SA NON-SHOWBIZ GUY; SANDARA ANG BABAENG DI TUMATANDA AT TUMATABA

0 22

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAGSALITA na si Bea Alonzo matapos mag-viral ang picture niya kasama ang isang lalaki.

Direktang sinabi ng Kapuso aktres na ‘Just a friend” lang umano ang guy na nagngangalang Joset Fores.



Ang nasabing viral photo ni Bea with a guy ay kuha pa last October na si Bea pa umano ang kumuha ng larawan.

Napag-ukulan lang ng tsismis nang magviral ang kissing video ng kanyang ex boyfriend na si Dominic Roque sa aktres na si Sue Ramirez na kuha sa Siargao.

Ang dami tuloy nagtatanong kung ano ang relasyon ni Bea sa guy.

Sa IG ng aktres, klinaro niya kung ano ang connection niya sa non-showbiz guy.

Aniya, “Okay, this is getting out of hand. Can we all relax? WE ARE JUST FRIENDS. And the stories are getting ridiculous! Kalma lang po tayo.”



Ayan po ang clarification ni Bea sa sinasabi nilang rumored boyfriend ng aktres.

***

TOM MAY FOUR MONTHS OLD BABY BOY NA!

TOTOONG may anak na si Tom Rodriguez.

Gumawa siya ng isang sketch na iginuhit niya ang cuteness ng anak.

Kinumpirma ito ng actor sa interbyu ni Nelson Canlas.

Four months old na raw ang kanyang baby boy.

At bilang first-time dad niya, ang kanyang baby ang “greatest source of inspiration” niya.

Ipinakita ni Tom ang ilan sa ginawa niyang sketches, inspired by his little one.

Ayon kay Tom, ang name ng anak ay Korben and is currently 4 months old.

“I feel great. He’s my greatest source of inspiration,” aniya kay Nelson.

Sa Instagram naman ni Canlas ay ibinahagi niya ang kuhang video ng kanyang interview.

Sa huli ng video, dinisplay niya ang ginawang sketches ni Tom sa anak na si Baby Korben, who has a facial dimple tulad niya.

Bago ang pag-amin Tom ay nagpost na siya sa kanyang social media ng cartoon drawing ng isang baby boy.

Pinag-usapan sa social media ang posted cartoon baby na drinowing ng aktor.

Sa pagkaka-drawing ni Tom mapapansing isa itong baby boy, wearing a baby’s nightwear.

Save for an emoji of a smiling face with hearts, there was no other caption on the said post. Walang binibigay na hint ang actor kung bakit siya nagpost ng ganun sa kanyang social media account.

Samantala, declared na ang legal na hiwalayan nilang mag-asawa na si Carla Abellana.

Sinabi niya ito nang makapanayam siya sa FTWBA.

“Recognized na po ‘yan ng korte, local court po natin dito,” ani Carla kay Kuya Boy.

Hindi annulled kundi divorced ang dating celebrity couple.

***

BINATI ni Joross Gamboa si Sandara Park sa 40th birthday nito.

May post ang actor ng throwback photos nila noong sila ay magkakasama sa Star Circle Quest 2004.

Naging bahagi si Sandara ng sikat na K-pop girl group na 2NE1 noong 2009 matapos magsimula ang kanyang showbiz career sa Pinas

Ani Joross, “Happy 20th (40) birthday to our BFF Sister na di tumatanda at di tumataba!”

Biro pa niya, tila hindi tumatanda ang Korean star na kilala rin bilang “Pambansang Krung-Krung.”

May kalakip din na isang throwback photo ni Sandara, na ayon sa kanya ay paborito niya. Dagdag pa niya, “We are always here for you! Kitakits this weekend God bless!”

Tinanong pa ng aktor ang kanyang followers kung alin sa mga larawang ibinahagi ang paborito nila mula sa kanyang post.

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Joross at Sandara nang magkasama sila sa reality show na “Star Circle Quest” noong 2004 kung saan doon na rin nagsimula ang showbiz career ni Sandara sa Pilipinas.

Nang bumalik siya sa kanyang bansa, ang South Korea ay sumali siya sa K-pop girl group na 2NE1 na sumikat sa buong mundo noong 2009.

Maraming netizens at kapwa celebrities ang nagpaabot ng pagbati kay Sandara, pinupuri ang kanyang youthful appearance at positibong pananaw sa buhay. Samantala, nagpapasalamat naman sa mga bumati ang SK actress/singer sa kanya at inaasahang magkikita silang muli ni Joross sa nalalapit nilang weekend celebration.