Advertisers

Advertisers

DAPAT DIN ISIPIN KALAGAYAN NG PULIS SA DRUG WAR NOON

0 9

Advertisers

NGAYONG bago na ang ‘approach’ sa pakikipag-laban sa iligal na droga, at muling nauungkat ang dating patayan dahil sa drugs, nakiki-usap itong ating Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil na sana ay isipin din natin ang kalagayan ng mga pulos noong ang ‘order’ sa kanila ay lipunin lahat ng involved sa iligal na droga.

Nais pa nga ni Marbil, na sana ay suportahan at protektahan pa ang kapulisan noong mga panahon na iyon, dahil nalagay din sa karamihan sa ating mga pulis sa alanganin.

Ang iba pa nga, ayon kay Marbil ay nawalan ng trabaho, ang ina naman ay nakulong, dahil nga sa maling approach sa war on drugs, ng nakaraang administrasyon.



Base nga raw sa datos ng PNP, mula July 2016 hanggang June 2022, sabi ni Marbil, mayroong 1,286 police officers ang naapektuhan sa kanilang ‘line of duty’ nang pairalin ang diskarte ni dating President Rodrigo Duterte.

Ang drug war at bilang na yan ay kasama ang 312 mga pulis na namatay at 974 naman ang sugatan. Biruin niyo, sa hanay din pala ng pulis ay may mga naibuwis ang buhay dahil sa war on drugs noon.

Kaya ang sabi ni Marbil, ang mga pulis noon ay di lamang naharap sa panganib, kung di karamihan din sa kanila ay humarap sa mga “legal and administrative challenges.”

Bukod diyan, dagdag pa ni Marbil, 214 officers ang nahaharap pa sa 352 na criminal cases dahil sa diskarteng iyon. Yan ay sa kabila ng sinasabing suporta sa pulis ng mga panahong iyon.

Ngayon, aniya, ay hinaharap na mag-isa ng mga pulis na ito ang mga ikinaso sa kanila. At ayon pa din sa ating PNP chief, ang mga administrative cases na ipinataw sa mga pulis noon, ay nagbunga na sa kanila, ng 195 officers na “na-dismissed” at 221 namang officers ay humaharap pa sa dismissal proceeding dahil sa iba’t ibang kadahilanan.



Masaklap pa riyan, dalawampu sa kanila ay nakakulong.

“The numbers remind us that the impact of the anti-drug campaign was deeply felt by our police force as well,” ang sabi ni Marbil.

Kaya para kay PNP Chief, kahit na naipangako ng nakaraang administrasyon ang suporta nito sa kapulisan noong panahon ng ibang klaseng drug war, wala naman natupad sa sinasabing suporta.

Eh di ba nga, mayroon ng bagong kasabihan ngayon – pinangakuan ka na, gusto mo pang tuparin. Wala talagang magandang naibunga ang dru war na iyon sa ating kapulisan. Nalagay lamang sila sa alanganin.