Advertisers
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Pilipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong mapagkakatiwalaan, maka-tao, intelihente at may pagmamahal sa bansa ang dapat iboto sa darating na May 2025 midterm Elections.
Ang Independent Minded Group (IMG) ay isang boses ng mga mamamayan, mga magbubukid, laborers, guro, estudyante, at trabahador, ay humihikayat sa mga Pilipino na ang kanilang mga boto ang siyang kinabukasan ng bansa.
Nanawagan din ang IMG na iwasang tangkilikin ang mga kaalyado ng mga Duterte sa darating na May 2025 midterm elections, na pinamumunuan ni dating President Rodrigo Duterte, na ang pamilya ay kilalang sikat na political dynasty sa Mindanao. Ang kanyang anak ay si Vice President Sara Duterte, samantalang ang panganay na anak na si Paolo ay isa namang congressman at si Sebastian Duterte ang kasalukuyang mayor ng Davao City.
“Electing these politicians will make the future of our country and the next generation of Filipinos at great peril,” pahayag ng IMG.
Ipinaliwanag ng grupong IMG na ang mga Duterte ay binabalewala ang demokrasya ng bansa, na kilala bilang human rights violators at malapit na kaibigan ng China na umaagaw ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Mariin namang itinanggi ni Duterte ang kanyang partisipasyon sa pagkamatay ng 17-anyos na si Kian delos Santos noong August 2017. Subalit inamin nito sa harap ng mga mambabatas na siya ang nagpasimuno ng “war against illegal drugs”, at giniit nito na isa itong paraan para maprotektahan ang mga insosente at mahinto ang illegal drugs sa bansa.
“My mandate as President of the Republic was to protect the country and the Filipino people. Do not question my policies because I offer no apologies nor excuses. I did what I had to do,” saad nito sa isang Senate hearing.
Samantala, si Vice President Sara Duterte ay maaaring maharap sa kasong “plunder” dahil sa hindi nito maipaliwanag kung paano niya nilustay ang P112.5 million na confidential fund mula sa Department of Education (DepEd), sa loob lamang ng maigsing panahon bilang pinuno ng DepEd.