Mommy Pinty Celebrates Her Birthday In Singapore With Family; TOPAKK Ni Arjo Atayde, Pangmalakasang Action-Thriller Movie Sa MMFF 2024
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
LAST November 1 ay sa Singapore nag-celebrate ng kanyang birthday ang Love naming si Mommy Pinty Gonzaga. Kasama niyang nag-celebrate ang husband na si Daddy Bonoy (Carlito), daughters Alex and Toni at mga manugang (sons in law) na sina Direk Paul Soriano at Konsehal Mikee Morada, mga apong sina Seve at Baby Polly. Join din sa birthday ni Mommy Pinty her brother Jojo. Every year, madalas ay sa ibang bansa talaga nagbi-birthday si Mommy Pinty and this time nga ay ang Singapore ang kanilang destinasyon.
At bongga, one week sila sa bansang ito at nag-stay sa kilalang hotel doon. Well, maliban sa kumain sa resto, shopping ay nagawa ring mag-tiktok nina Mommy Pinty and Daddy Bonoy. Syempre, si Alex ang may pasimuno lagi at na-eenjoy naman din ito ng kanyang parents. And in all fairness ay mahusay sumayaw si Mommy Pinty dahil dancer naman talaga siya noong araw. Updated ang mga ka-maintenance sa selebrasyong ito ni Mommy Pinty dahil binabalitaan sila lagi ni Daddy Bonoy sa official FB Page nila ni Mommy Pinty na BOPIN GONZAGA Official na may 147K followers. Kitang-kita sa mukha ni Mommy Pinty ang kasiyahan at pati ang mga love na love na mga apong sina Seve at Polly na grand kids niya kina Toni at Direk Paul ay nakasama niya sa kanyang birthday.
At kung may hihilingin pa ba ang famous Mom (Mommy Pinty) sa Itaas? Well sa aming palagay, wala na dahil nasa kanya na ang lahat. Nariyan ang mapagmahal niyang husband (Daddy Bonoy), mga anak na sina Toni at Alex at mga husband nito at mga cute na apo. Pagdating naman sa career ng kaniyang mga daughter ay parehong maganda at patuloy sa pananagumpay ang pag-aaring HAPPY CUP ni Mommy Pinty na mayroon ng over 80 branches nationwide. At syempre super blessed sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy mula kay Lord. And for their health naman maliban sa yearly executive check-up ay tiwala ang mag-asawa sa bigay na health benefits ng endorsement nilang CHEF AYB’S PARAGIS Herbal Tea and Capsule. Samantala, last Friday ay nakabalik na ng bansa sina Mommy Pinty.
***
BAGO pa ang nationwide showing sa December 25 ng “TOPAKK” ni Cong. Arjo Atayde na 2 time International Best Actor. Nagkaroon na ito ng screening sa 76th Locarno Film Festival sa Switzerland. Maging sa Cannes ay naitanghal ito. At muli ay napahanga ni Arjo ang lahat hindi lang sa husay nito sa pag-arte kundi yung kalidad ng kanyang action movie, na kabilang nga sa 10 official entries sa Metro Manila Film Festival. Kitang-kita rin na big budgeted movie ang TOPAKK na ginastusan talaga ng Nathan Studios ng Pamilya Atayde.
Isang pangmalakasang action-thriller ang nasabing pelikula na dinirek ni Richard Somes, na kilalang batikan pagdating sa paggawa ng hard action films. Parte rin ng pelikulang ito ni Arjo si Julia Montes na leading lady niya. Also multi-awarded actress Sylvia Sanchez, Ria Atayde, Sid Lucero Etc. Arjo portrayed the role of security guard, an ex-special operative with PTSD attempts to save a woman who’s being hunted by a corrupt police death squad for a drug cartel. How true na ang budget daw ng movie ay inabot ng 650,000 USA na sa peso natin ay P37,700,000. Ito na yata ang most expensive film of the year.
And as I’ved heard ay ilalaban daw ni Sylvia sa MTRCB na mabigyan ang TOPAKK ng R16. Handa raw makipag-compromise si Sylvia. “Sa mga scenes ng movie na ito ay hindi ako kabado, eh maayos naman lahat.
“Pero alam ko kasi ang panlaban ko maganda itong movie na ito. Itong TOPAKK na ito. At proud ako dito dahil inimbitahan ito sa ibang bansa at honestly, pinalakpakan ito doon,” sabi pa ni Sylvia sa panayam.