Advertisers
Sa pagdinig ng masmalawak na kapulungan ng kongreso, hindi nakitaan si Totoy Osla ng katikasan ng tindig sa halip tila baka na puro unga ang narinig na ‘di makapanuwag dahil kailangang sumunod sa tamang asal na itinakda sa pagdinig. May kahabaan ang pagdinig at ‘di mabilang ang ilang ulit na recess ng QuadCom upang bigyan pansin ang ilang likas na pangangailangan ng tao higit ng pangunahing panauhin. Sa totoo lang, hindi makakampante si Totoy Osla dahil o tila sinadya na paglapitin ang upuan nito at ng matalik na katunggali na dating opisyal ng pamahalaan. Asiwa ang kaayusan ng mga panauhin na parehong nagpipigil sa sarili kahit sa paglingon sa kinaroroonan ng isa’t isa ng ‘di makita o mapansin ang matalik na katunggali. Sa pagkakalapit ng mga upuan ni hindi nagpansin o nagpalitan ng sulyap ang magkakilala bilang mga nagtapos o alumni ng isang pamantasan sa kaMaynilaan. Silip ang pagiging alumpihit ng matandang panauhin sa inuupuan na sinadya ng ‘di maulit ang kagaspangan ng asal ng panauhin mula sa kaTimugan ng bansa. Di ka umubra sa bahay ni MR.
Sa kabilang banda, maganda ang postura ni D5 kahit katabi ng upuan ang bastos na katunggali na larawan ng pagiging propesyonal ng galaw. Silip ang pagkainis ngunit napanatili ang pagiging sibil kahit asiwa sa katabi. Hindi nakitaan o narinigan ng anumang kagaspangan sa asal ‘di tulad ni Totoy Osla ng kaTimugan. Makikitang pasilip-silip ang babaeng panauhin na tinatanya at baka kung anong gawin ng katabing baliw na halatang may tinatagong sala kay D5. Sa totoo lang, malinaw ang tumbukin ng babaeng panauhin na magpapalalim sa mga salang gawa ni Totoy Osla higit ang mga paslangan na naganap sa panahon ng liderato nito sa bansa maging sa pagiging alkalde sa isang Lunsod sa kaTimugan. At nang muntik ng mag-abot sina Totoy Osla at dating Senador na si Sonny Trillanes ang tamang pag-iwas ang ikinilos ng babaeng panauhin sa halip na sapakin ang taong sumira sa karera sa politika. Mataas ang kalidad ng pagkatao ng ale na karapat dapat na muling manungkulan sa pamahalaan.
Sa pagdinig pa rin, silip ang galing ng maraming kinatawang bayan sa mga tanong na pansin ang pagka-irita ni Totoy Osla na tila komedyante na ginagawang katatawanan ang pagdinig kahit may kaselanan ang pinag-uusapan. Ang paglalahad ng panauhin na sagot sa mga katanungang ng mga kinatawang bayan ang larawan ng kaganapan na umiral sa panahon ng liderato nito, ang kawalan ng katarungan. Naipalabas ng mga mambabatas ang uri ng pagpapatakbo sa bansa at batas na makiling sa mga kakampi. Samantala, ang kawalan ng katarungan sa mga kalaban na ‘di umaabot sa hukuman ang mga usapin dahil sa kakalsadahan pa lang may hatol na, kamatayan. Sa kabilang banda, karaniwan ang paggawa ng sala sa mga biktima ng EJK na ‘di binigyan halaga ang buhay kahit sa katuwirang mga pinaghihinalaan pa lamang. Ngunit iba ang turing sa mga taong sangkot sa pagpuslit ng droga na nasabat sa Bureau of Customs. Di patas na hustisya.
Sa dami ng tanong hinggil sa kawalan ng katarungan o walang habas na patayan, unti-unting napipikon si Totoy Osla at tila inaako na ang mga salang nagawa ng mga tauhan, higit ng kapulisan. Sa mga tanong ng mga mambabatas pansin ang pagkakadulas ng dila ni Totoy Osla na nakalimot na ito’y pinanumpa na magsasabi ng pawang katotohanan bago ang ganap na pagdinig. Sa mga tanong na ibinato, may mga bangit ang panauhin na magagamit sa pagsasampa ng kaso laban dito. Sa pagka irita o pikon nagsimula upang mahuli ang isda sa sariling bibig. Sa totoo lang, mahusay ang isang kinatawan mula sa Batangas na masinsin ang pagtatanong na sadyang ginamit ang kaalaman ni Totoy Osla sa batas na nagpawala sa wisyo ng panauhin na umaamin sa mga salang gawa bigong laban sa droga. Hindi maitatatwa na umamin si Totoy Osla sa mga tanong na nilakipan ng legal na kaalaman na susi sa pagkahuli sa maling laban sa droga. Ang pagtatanong sa likod ng teorya ng batas sa mga uri ng sangkot sa krimen ang naglinaw ng pagkakasangkot ni Totoy Osla sa mga EJK sa bansa. Sa ‘di sadyang pag-amin sa mga tanong ng kinatawan ng Batangas ng panauhin, maaaring magamit ang mga pahayag sa paghahanda ng kaukulang demanda upang patunayan at madiin ang mga salarin sa EJK, kasama si Totoy Osla.
Ang pagtatanong ng kinatawan mula sa Batangas ay ‘di nagdulot ng pagkapikon kay Totoy Osla ngunit tila nawalan ng malay na nahuli sa sariling dila. Magaling ang pagkakapakete ng tanong na sadyang ‘di kaagad napansin ang layon ng mga tanong na dahilan ng paglapit ng isang abogado ni Totoy Osla upang turuan ng isasagot sa mga tanong. Ang pagiging arogante ng mangmang ng kaTimugan ang susi upang magpahayag ang nagtatanong na maaring gamitin ng QuadCom ang mga pahayag ni Totoy Osla bilang affidavit sa ihahaing kaso laban dito.
Sa pagtakbo ng pagdinig at pagdating ng dating senador na si SenTri, tila bulkang Apo ang upo ni Totoy Osla na biglang umusok ang nguso ng makita ang una. Sa pagpapatuloy ng pagdinig, naglabas si Sentri ng datos na “power point” at ipinakita ang takbo ng bank transactions ng pangunahing panauhin maging ng kasapi ng pamilya nito. Silip ang mga transaksyon sa banko na bangit bilang bahagi ng nakukuha sa mga drug lords na kasapakat si Totoy Osla. Sa mga nakitang datos na iniharap ni Sentri, tila pumasok sa ulo ni Totoy Osla ang galit ng tanungin na kung magkukusang lalagda ng waiver upang mabulatlat ang bangit na mga bank accounts. Tunay na nagalit ang halimaw at sinabing payag maglabas ng waiver, at kung ano ang kapalit, ang masampal sa harap ng publiko si Sentri.
Sumang Ayon ang dating senador kung lalagdaan sa harap ng Komite ang waiver na tunay na napikon ni Totoy Osla. Silip na ibig saktan si Sentri na hinarap ang akmang pagpalo ni Totoy Osla, at sabay sabing wala ka na. Salamat at hindi nagkasakitan subalit kita na pikon na pikon si Totoy Osla na larawan ng pagkatalo kay Sentri. Ang pusturang pikon na pikon ang malinaw na larawan sa dulo ng pagdinig ang pagkakaroon ng sala ni Totoy Osla sa laban sa kalaban sa droga. Ang tunay na layon ng laban sa droga’y ‘di pag-aalis ng bisyo sa baba ng lipunan sa halip ito’y laban sa karibal sa negosyo ng mga kasapakat ng mga kaibigan. Tunay na ang pikon, higit ang pikon na pikon ang talo sa pagdinig ng QuadCom.
Maraming Salamat po!!!!