Advertisers

Advertisers

6 menor-de-edad, 17 pa ibinugaw sa Maynila

0 10

Advertisers

NASAGIP ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa 23 kababaihan, na kinabibilangan ng anim na menor-de-edad na babae, mula sa pambubugaw na ang mga kliyente ay Chinese nationals na nagtatrabaho sa POGO sa Tondo, Maynila.



Ayon kay NBI Regional Director Ferdinand Lavin, nakatanggap sila ng report hinggil sa talamak na iligal na gawain ng isang alyas “Mika”.

Modus ni Mika na i-post sa social media ang mga maseselang litrato ng mga biktima saka papupuntahin sa resort kungsaan sila inilalako sa mga parokyano.

Ang mga biktima, pinagsu-swimming pa para pagpilian ng mga dayuhang parokyano.

Umaabot sa P10,000 hanggang P15,000 ang ibinabayad ng mga Chinese para sa serbisyo ng mga biktima.

Sinabi ni NBI agent Jerome Hernandez na mula sa Pasig, Caloocan, Quezon City at sa Pampanga ang mga biktima na ibinibenta sa iba’t ibang lahi partikular sa mga Chinese.

Agad inaresto si “Mika” nang tanggapan ng marked money.

Nasa pangangalaga ngayon ng DSWD ang ilan sa mga nasagip na menor-de-edad. (Jocelyn Domenden)