Advertisers

Advertisers

Digong papasok sa ‘trap’ ng Trillanes

0 60

Advertisers

SINABI ni ex-President Rody Duterte na magsasampa siya ng Libelo laban kay ex-Senator Antonio Trillanes.

Ito’y matapos siyang akusahan ni Trillanes sa House Quad Comm inquiry na ang kanyang bilyones na perang nadiskubre ng dating Senador sa bank accounts nila ng kanyang mga anak ay “drug money”.

Actually noong presidente pa si Digong sinabi na niyang idemanda noon ng Libel si Trillanes pero hindi niya naman ginawa. Kasi kapag ginawa niya ito ay tiyak na mabubunyag ang bank history ng kanyang pera sa mga banko, kapag isinumite ni Trillanes ang kanyang ebidensya at patingnan ng korte sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) kung may katotohanan ang hawak na ebidensya ng dating senador.



Oo! Kapag itinuloy ngayon ni Digong ang kanyang banta na magdemanda ng Libelo kay Trillanes, aba’y pumasok siya sa trap ng mortal niyang kalaban. Talo siya. Mismo!

***

Sinabi ni Vice President Sara Duterte na ang kaniyang ama, Digong, ay dapat maghanda sa International Criminal Court (ICC) hinggil sa war on drugs dahil ito ang “unang dadalhin doon”.

Sa panayam noong Biyernes, Nobyembre 15, hiningian si VP Sara ng komento hinggil sa naging pahayag ng kanyang ama sa pagdinig ng Quad Comm noong Miyerkules, Nobyembre 13, kungsaan sinabi nitong dapat magmadali na ang ICC sa pag-imbestiga sa war on drugs ng kaniyang administrasyon.

“It’s best to be answered by the lawyers. Meron din akong lawyer sa ICC. But hindi kami nagkausap kasi after noong hearing. So, hindi ko alam kung anong way forward nitong ICC,” sabi ni VP Sara.



Ani VP Sara, si Digong ang dapat maghanda sa ICC. Pero naghahanda rin siya kahit na hindi pa siya pormal na bahagi ng imbestigasyon ng international court ukol sa war on drugs.

“Siya (Digong) siguro ang dapat maghanda kasi siya ang unang dadalhin doon eh,” anang Bise Presidente. “Sa akin, wala pa naman eh. Sabi ng mga tinatanong namin, wala naman ako doon sa complaint. Wala pa ako doon sa investigation. Wala pa lahat, pero naghahanda.”

Matatandaan na matapos ang pahayag ni Digong hinggil sa ICC, sinabi ng Malacañang na hindi nila pipigilan ang inisyatibo ng dating pangulong isuko ang kaniyang sarili sa ICC, at handa raw silang makipag-ugnayan sa Interpol kapag naglabas na ito ng red notice para sa dating pangulo. Araguy!!!

Maliban kay Digong, iniimbestigahan din ng ICC sina Senador “Bato” Dela Rosa, dating PNP Chief Oscar Albayalde at ilang pang aktibo at retiradong opisyal ng nakaraang administrasyon.

Sinabi ni Trillanes na ang arrest warrant ng ICC laban kay Digong ay posibleng lumabas sa kaagahan ng 2020.

Abangan!